2013
Mahal Ako ng Ama sa Langit, at May Plano Siya para sa Akin
Enero 2013


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Mahal Ako ng Ama sa Langit, at May Plano Siya para sa Akin

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

Amoy na amoy sa paligid ang nilulutong cookies habang tumutulong si Nataniel kay Lola sa paglalagay ng masa sa cookie sheets. Nginitian siya ni Lola. “Sino’ng nagmamahal sa iyo?” tanong ni Lola.

Naisip ni Nataniel kung paano siya laging ipinagluluto ni Lola ng kanyang paboritong cookies at lagi itong naghahanda ng papel dahil alam nito na gustung-gustong magdrowing ni Nataniel. “Kayo po,” sagot niya.

“Tama,” sabi ni Lola. “Mas matagal na kitang kilala kaysa sinuman maliban sa nanay at tatay mo. Pero may iba pang nakakakilala sa iyo nang mas matagal kaysa akin.”

“Sino pa po?” tanong ni Nataniel.

“Isang taong nagmahal sa iyo bago ka pa pumarito sa mundo,” sabi ni Lola.

“Ah,” sabi ni Nataniel. “Ibig po ninyong sabihin ang Ama sa Langit.”

“Oo,” sabi ni Lola, at niyakap si Nataniel.

Napangiti siya. Masarap ang pakiramdam niya na malaman na siya ay minamahal.

Sa taong ito sa oras ng pagbabahagi, malalaman ninyo ang napakagandang katotohanan na kayo ay anak ng Diyos. Kilala at mahal kayo ng Ama sa Langit. May plano siya na tutulong sa inyong makabalik sa Kanyang piling balang-araw.

Mga paglalarawan ni Becky Fawson; kaliwa: inset ni Phyllis Luch