2013
Pakikinig sa mga Pahiwatig
Enero 2013


Mga Kabataan

Pakikinig sa mga Pahiwatig

Isang gabi lumayas ng bahay ang bata pang pinsan ko, kaya dali-dali ko siyang hinanap. Habang nagmamaneho, nanalangin ako na tulungan ako ng Espiritu. Alam ko na sasagutin at papatnubayan ako ng Diyos, at sinikap kong pakinggan ang mga pahiwatig ng Espiritu. Ngunit nang wala akong marinig, nawalan na ako ng pag-asa at nadama ko na walang ipinahihiwatig sa akin ang Espiritu.

Bagama’t nais kong maghanap pa sa malayu-layo, nadama ko na dapat akong manatili sa paligid ng bahay ng pinsan ko. Kaya nagpasiya ako na minsan pang ikutin ang lugar. Pagtigil ko sa isang interseksyon, nakita ko ang anino ng isang batang babaeng naglalakad. Nahanap ko na ang pinsan ko!

Pagbaba ko ng kotse at patakbong lumapit sa kanya, natanto ko na kanina pa ako pinapatnubayan ng Espiritu at ipinadarama sa akin na dapat akong manatili sa lugar na iyon. Dahil hinihintay ko na makarinig ako ng banayad na tinig, halos hindi ko napansin ang mga pahiwatig ng Espiritu. Sa gayon ay naunawaan ko na maraming pagkakataong hindi tayo makaririnig ng tinig, ngunit may madarama tayo sa ating puso.

Labis kong pinasasalamatan ang patnubay ng Espiritu. Talagang nariyan Siya palagi! Sabi nga sa mga banal na kasulatan, “Ang Espiritu Santo ang iyong magiging kasama sa tuwina” (D at T 121:46).

Kung tayo ay nararapat sa patnubay ng Espiritu at nakikinig, maaari tayong maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa paggawa ng kabutihan sa maraming tao. Sa palagiang pagsama ng Espiritu, malalaman natin ang landas na dapat nating tahakin.

Print