2013
Doktrina at mga Tipan 87:8
Enero 2013


Taludtod sa Taludtod

Doktrina at mga Tipan 87:8

Itinuturo sa atin ng tema ng Mutwal sa taong ito kung saan tatayo para manatiling ligtas.

8 Dahil dito, tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag, hanggang sa ang araw ng Panginoon ay dumating; sapagkat masdan, ito ay dagling darating, wika ng Panginoon. Amen.

Tumayo Kayo

Pangulong Thomas S. Monson

“Inaanyayahan tayo ng Panginoon, ‘Magsilapit sa akin at ako ay lalapit sa inyo; masigasig akong hanapin at inyo akong matatagpuan.’ Sa paggawa nito, madarama natin ang Kanyang Espiritu sa ating buhay, na magbibigay sa atin ng hangarin at tapang na manindigan sa kabutihan—na ‘tumayo … sa mga banal na lugar, at huwag matinag.’”

Pangulong Thomas S. Monson, “Tumayo sa mga Banal na Lugar,” Liahona, Nob. 2011, 86.

Sa mga Banal na Lugar

Elder Dallin H. Oaks

“Ano ang … ‘mga banal na lugar’? Tiyak na kasama rito ang templo at mga tipan dito na tapat na sinusunod. Tiyak na kasama rito ang tahanan kung saan ang mga anak ay minamahal at nirerespeto ang mga magulang. Tiyak na kasama rito ang tungkuling itinalaga sa atin ng mga awtoridad ng priesthood, pati na ang mga misyon at tungkuling tapat na ginagampanan sa mga branch, ward, at stake.”

Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Liahona, Mayo 2004, 10; idinagdag ang pagbibigay-diin.

Huwag Matinag

Narito ang ilang paraan upang matiyak na ang isang bagay ay hindi matitinag:

  • Isang angkla—“Pag-asa … na gumagawa ng isang daungan sa mga kaluluwa ng tao” (Eter 12:4).

  • Isang matibay na saligan—“Sa bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos, ninyo kailangang itayo ang inyong saligan … , na tunay na saligan” (Helaman 5:12).

  • Matatag na paninindigan—Hindi mo maaaring itapak ang isang paa mo sa Sion habang nakatapak ang isang paa mo sa daigdig, sapagkat “ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:8).

  • Mga istaka ng tolda—Tinutulungan ng mga istaka ng tolda ng Sion ang Simbahan na tumayo at maging matatag, habang pinaglalaanan tayo ng kanlungan: “Ang pagtitipong sama-sama sa lupain ng Sion, at sa kanyang mga istaka, ay maaaring maging isang tanggulan, at isang kanlungan mula sa bagyo” (D at T 115:6).

Araw ng Panginoon

Araw ng Panginoon—Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Ito ay Dagling Darating

“Dapat nating bantayan ang mga palatandaan [ng Ikalawang Pagparito], dapat tayong mamuhay nang buong katapatan hangga’t maaari. … Ngunit hindi tayo dapat tumigil sa pagkilos dahil lamang sa paparating na ang pangyayaring iyon at ang mga kaganapang kaakibat nito. Hindi tayo dapat tumigil sa pamumuhay. Sa katunayan, dapat nating pagbutihin lalo ang ating pamumuhay kaysa noon.”

Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ito, ang Pinakadakila sa Lahat ng Dispensasyon,” Liahona, Hulyo 2007, 19.