2013
Paghahalintulad: Tunay na Pagbabalik-loob
Enero 2013


Sulok para sa Pag-aaral

Paghahalintulad: Tunay na Pagbabalik-loob

Hindi lamang iisang tagapagsalita sa pangkalahatang kumperensya ang tumalakay sa ilan sa pinakamahahalagang paksa. Narito ang sinabi ng apat na tagapagsalita tungkol sa tunay na pagbabalik-loob. Subukang maghanap ng iba pang mga paghahalintulad kapag pinag-aralan ninyo ang mga mensahe sa kumperensya.

  • “Ang tunay na pagbabalik-loob ay … [kinapapalooban ng] tapat na pangako na maging disipulo ni Cristo.”1 —Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol.

  • “Sa binyag nangangako tayo na ating tataglayin ‘ang pangalan ni [Jesucristo], nang may matibay na hangaring maglingkod sa kanya hanggang wakas.’ [Moroni 6:3; idinagdag ang pagbibigay-diin.] Kailangan ng gayong tipan ng matinding pagsisikap, katapatan, at integridad.”2 —Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • “Tayo ay mga tagasunod ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang gayong pagbabalik-loob at kumpiyansa ay resulta ng masigasig at kusang pagkilos. Ito ay pinagsisikapan ng bawat isa. Ito ay patuloy na ginagawa.”3 —Ann M. Dibb, pangalawang tagapayo sa Young Women general presidency

  • “Mahihikayat lamang tayong magmahal at maglingkod na katulad ng sa Tagapagligtas kapag lumago ang ating patotoo nang higit kaysa nasa ating isipan at naisapuso natin ito.”4 —Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol

Mga Tala

  1. David A. Bednar, “Nagbalik-loob sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2012, 107.

  2. Quentin L. Cook, “Nadarama Ba Ninyo ang Gayon Ngayon?” Liahona, Nob. 2012, 9.

  3. Ann M. Dibb, “Alam Ko Ito. Ipinamumuhay Ko Ito. Mahal Ko Ito,” Liahona, Nob. 2012, 10.

  4. M. Russell Ballard, “Maging Sabik sa Paggawa,” Liahona, Nob. 2012, 30.