2013
Komentaryo
Enero 2013


Komentaryo

Ang Totoong Layunin ng Biyaya

Lubos akong naantig ng dalawang artikulo sa isyu noong Abril 2012: ang artikulo ni Elder David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad” (pahina 12), at ang artikulo ni Kristen Nicole Cardon na, “Kamangha-manghang Biyaya” (pahina 10). Ang mga tanong ko tungkol sa totoong layunin ng biyaya sa ating mortal na buhay at sa hangad nating magtamo ng buhay na walang hanggan ay nasagot nang mahusay. Nagpapasalamat ako para sa mga artikulong ito—lalo nitong napalawak ang aking pang-unawa, at paulit-ulit kong pinagninilayan ang mga ito.

Emmanuel Adu-Gyamfi, Ghana

Pagwawasto

Sa Mensahe ng Unang Panguluhan noong Enero 2012 na, “Pagkakaroon ng Masaganang Buhay,” nakaligtaan naming isulat na ang siping-banggit ay nagmula kay Mary Anne Radmacher. Ang siping-banggit ay matatagpuan sa pahina 5 ng Liahona. Nakasaad sa orihinal na sinabi ni Bb. Radmacher na, “Kung minsan ang katapangan ay ang munting tinig makalipas ang maghapon na nagsasabing, ‘Susubukan ko ulit bukas.’” Ito ay makikita sa, Courage Doesn’t Always Roar (2009), ni Bb. Radmacher, bukod pa sa iba niyang mga lathalain. Humihingi kami ng paumanhin sa kapabayaang ito.