2013
Ang Ating Pahina
Enero 2013


Ang Ating Pahina

Si Carolina L., edad 11, na taga-Venezuela, ay lumaki sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at matagal na niyang gustong pumunta sa Caracas Venezuela Temple. Noong Marso 2012 binisita niya ang templo sa unang pagkakataon. Maligayang-maligaya siya dahil dito.

Napaka-espesyal ng pamilya ko. Anim na oras ang layo ng simbahan mula sa amin, pero nagsisimba kami kapag kaya namin. Binabasbasan ng aking ama ang sakramento para sa amin tuwing Linggo, at tinuturuan ako ng aking ina sa Primary. Nagpupunta kami sa Recife Brazil Temple minsan sa isang taon. Magmimisyon ako kapag nasa hustong gulang na ako. Pinag-aaralan ko ang mga banal na kasulatan at nagdarasal ako araw-araw. Sinisikap kong matuwa sa akin ang Ama sa Langit sa pagiging mabuting bata. Mahal na mahal ko ang ebanghelyo.

Kevin L., edad 8, Brazil

Nang magpunta ako sa templo, masaya akong makasama si Itay at ang kapatid kong si Ryan habang nasa sesyon si Inay at ang kanyang kaibigan. Napakamapitagan ko noong nasa silid-hintayan ako ng templo. Sabik akong makapasok sa bahay ng Ama sa Langit at madama ang Kanyang pagmamahal at kabaitan sa pamamagitan ng Espiritu. Mahal ko ang bahay ng Panginoon.

Jorge M., edad 6, Costa Rica

Gustung-gusto naming makita ng maliit kong kapatid na si Omega ang templo. Kapag binibisita ng ward namin ang Monterrey Mexico Temple, hatinggabi kaming umaalis at nagbibiyahe nang anim na oras papunta roon. Alam ko na ang templo ang lugar kung saan maaaring maging walang hanggan ang mga pamilya. Hindi magtatagal lilipat kami sa Tuxtla Gutiérrez. May templo roon, at mas madalas na kaming makakabisita. Nagpapasalamat ako para sa mga templo.

Helem N., edad 4, Mexico

Solene S., edad 6, Brazil

Ito ay drowing ng Asunción Paraguay Temple. Masayang-masaya ako dahil malapit na kaming mabuklod bilang walang-hanggang pamilya. Nagpapasalamat ako sa Ama sa Langit sa pagbibigay sa akin ng pamilya.

Angelo N., edad 5, Paraguay

Nang pumasok ako sa Quetzaltenango Guatemala Temple, nakadama ako ng matinding kapayapaan. Masayang-masaya ako noong ilaan ito. Tumimo sa puso ko ang mga mensahe.

Juan G., edad 11, Guatemala