2013
Dalawang Bahay na Tinirhan ni Joseph Smith
Enero 2013


Sa Daan

2 Bahay na Tinirhan ni Joseph Smith

Halina’t siyasatin ang mahahalagang lugar sa kasaysayan ng Simbahan!

Palmyra, New York, ang lugar kung saan nagsimula ang Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw 193 taon na ang nakalilipas. Binisita nina Luke, Rachel, at Julia S. ang espesyal na lugar na ito para malaman ang iba pa tungkol sa tinirhan ni Propetang Joseph Smith at kung paano siya tumulong na maipanumbalik ang Simbahan sa lupa.

Ang Bahay na Yari sa Troso

Ang bahay na ito na yari sa troso ay itinulad sa hitsura ng tinirhan ni Joseph mula edad 12 hanggang 19.

1. Si Joseph ay may limang kapatid na lalaki at tatlong kapatid na babae. Maliit na bahay ito para sa 11 katao!

2.Madalas magtipon dito ang pamilya sa paligid ng mesa sa kusina para magbasa ng Biblia. Noong siya ay edad 14, nabasa ni Joseph ang Santiago 1:5: “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios.” May mahalaga siyang katanungan sa Diyos.

3. Isang araw ng tagsibol noong 1820, pumasok si Joseph sa kakayuhan malapit sa bahay nilang yari sa troso at ipinagdasal kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo at sinabi sa kanya na huwag sumapi sa alinman sa mga simbahan. Sinabi ni Jesus na tutulong si Joseph na maibalik ang Simbahan ng Panginoon sa lupa.

4.Natulog sa silid sa itaas ang lahat ng anim na batang lalaki sa pamilya. Isang gabi noong edad 17 si Joseph, tatlong beses nagpakita ang anghel na si Moroni at sinabihan siya tungkol sa mga laminang ginto na isasalin at ilalathala ni Joseph bilang Aklat ni Mormon. Kinuha ni Joseph ang mga lamina makalipas ang apat na taon.

Ang Bahay na Yari sa Tabla

Noong edad 19 si Joseph, lumipat ang kanyang pamilya sa isang bagong bahay. Doon siya nakatira nang kunin niya ang mga laminang ginto sa Burol Cumorah.

5.Tinangkang nakawin ng ilang tao ang mga laminang ginto. Itinago ito ni Joseph sa ilalim ng bricks sa harapan ng fireplace na ito.

6.Sa maliit na silid na ito natulog ang mga kapatid ni Joseph na sina Sophronia at Katherine. Isang gabi ibinalot ni Joseph sa tela ang mga lamina at itinago ito sa pagitan ng dalawang batang babae na nasa kanilang higaan.

Mga larawang kuha ni Brent Walton; Nagpakita ang Anghel na si Moroni kay Joseph Smith, ni Tom Lovell © 2003 IRI