2013
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Enero 2013


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Ikaanim na Taunang Araw ng Paglilingkod sa Buong Africa

Noong Sabado, Agosto 18, 2012, libu-libong Banal sa mahigit kalahating dosenang mga bansa sa Africa ang nagtipun-tipon sa kanilang mga komunidad upang makilahok sa ikaanim na taunang All-Africa Mormon Helping Hands Day.

“Lahat ng ward at branch ay humayo upang makapagbigay ng makabuluhang paglilingkod,” pagsulat ng public affairs missionary na si Elder C. Terry Warner sa isang email. “Naghanap sila ng mga makakatuwang; pumili sila ng mga proyektong talagang mahalaga, bagaman mahirap. Naglabasan ang napakaraming sabik makatulong, at talagang nakipagkaibigan sila para sa Simbahan.”

Sinabi ni Elder Adesina J. Olukanni, director ng public affairs para sa Africa West Area, tungkol sa araw ng paglilingkod, “Ito ang pinakamadaling paraan para makatugon tayo sa panawagan ng propeta na maging mabait sa ating kapwa, tumugon sa kanilang pangangailangan, magbigay sa halip na tumanggap. Ito ang pinakamadaling paraan para maipangaral ang ebanghelyo—sa pamamagitan ng halimbawa.”

Mormon.org, Nasa 20 Wika Na

Ang Mormon.org ay makukuha na ngayon sa wikang Armenian, Cebuano, Chinese, Dutch, English, French, German, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Latvian, Polish, Portuguese, Russian, Spanish, Swedish, Tagalog, Thai, at Ukrainian.

Lahat ay hinihikayat na magkaroon ng sarili nilang Mormon.org profile sa wikang mas gusto nila at ibahagi ang mga ito sa iba.

Habang nakikibahagi sa mga proyekto ng Mormon Helping Hands sa buong Africa, ang mga miyembro ng Simbahan ay nagbigay ng mahalagang paglilingkod, nakipagkaibigan sa ibang relihiyon, mas nagpakilala sa Simbahan, at pinalakas ang kanilang patotoo tungkol sa pag-ibig sa kapwa.

Larawang kuha ni TJ Thomas