2013
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Nobyembre 2013


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay magagamit sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga tagapagsalita ay nakalista nang sunud-sunod ayon sa alpabeto, at ang bilang ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(92) Isang matapat na inang taga-Brazil, na pinagbawalan ng kanyang asawa na magsimba, ang nagsasabi sa kanyang mga anak na magsimba.

M. Russell Ballard

(43) Nagtagumpay ang isang pamilya sa gawaing misyonero nang isapuso nila ang hamon na pabilisin ang gawain ng kaligtasan.

David A. Bednar

(17) Ang pamilya ni Susan Bednar (na noon ay dalagita) ay pinagpala sa pamumuhay ng batas ng ikapu.

Gérald Caussé

(49)Si Gérald Caussé at ang kanyang pamilya ay mas nadadalian sa pagtira sa lungsod na bago sa kanila dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Banal sa mga Huling Araw.

D. Todd Christofferson

(29) Si Anna Daines ay sumali sa isang volunteer group at tinutulungan ang kanyang komunidad na maalis ang maling akala nila sa mga Banal sa mga Huling Araw.

Quentin L. Cook

(88) Si Quentin L. Cook at ang iba pang mga abugado sa kanyang opisina ay nagpasiyang gawing kaiga-igaya para sa pamilya ang mga kalagayan sa kanilang trabaho.

Edward Dube

(15) Sinabi ng ina ng batang Edward Dube na tumingin siya sa unahan, huwag lumingon sa likuran, habang magkasama silang nagtatrabaho sa bukid.

Timothy J. Dyches

(37) Pinatawad ni Corrie ten Boom ang isang dating sundalong Nazi na isa sa kanyang mga guwardiya noon sa isang concentration camp.

Henry B. Eyring

(58) Ang batang Henry B. Eyring ay napagpala nang samahan niya ang kanyang bishop sa mga pagbisita sa mga miyembrong nangangailangan.

(69) Sina Mildred at Henry Eyring ay nagkaisa sa kanilang desisyon na bumalik sa Utah, na malapit sa pamilya ni Mildred.

Randy D. Funk

(52) Matapos marinig ang kuwento ni Joseph Smith sa isang wika na hindi niya nauunawaan, hiniling ng isang investigator sa India na mabinyagan.

Kevin S. Hamilton

(99) Isang pamilya ang nagsimulang lumayo sa Simbahan sa desisyong maglibot sa araw ng Linggo sa halip na dumalo sa sacrament meeting.

Jeffrey R. Holland

(40) Natuklasan ng isang ina ang layunin niya sa buhay matapos masugatan nang malubha sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nila.

Richard J. Maynes

(79) Ang lolo-sa-tuhod ni Richard J. Maynes ay namatay sa atake sa puso habang nasa misyon.

Thomas S. Monson

(61) Isang matapat na home teacher ang puno ng pasasalamat nang ang isang taong matagal na niyang binibisita ay sumapi sa Simbahan.

(85) Si Thomas S. Monson ay nagbigay ng basbas ng priesthood sa isang may-edad na lalaki na hindi na makakita o makadinig.

S. Gifford Nielsen

(33) Pinakulay-tanso ng isang stake president ang lumang-lumang sapatos ng isang matagumpay na missionary.

Adrián Ochoa

(102) Nagalak ang mga miyembro ng pamilya nang ang batang Adrián Ochoa at dalawa niyang pinsan ay makauwi matapos ang malakas na unos.

Bonnie L. Oscarson

(76) Hindi pumayag si Agnes Hoggan na ampunin ng isang pamilyang hindi LDS ang kanyang 16-na taong gulang na anak na babae.

Boyd K. Packer

(26) Pinayuhan si Boyd K. Packer na hikayatin ang mga miyembro na basahin ang mga banal na kasulatan ng isang stake na nahihirapan.

L. Tom Perry

(46) Noong bata pa siya, si L. Tom Perry at ang iba pang mga batang Primary ay nag-hiking sa isang paboritong lugar sa canyon kasama ang kanilang guro.

Linda S. Reeves

(118) Isang babaing malapit nang binyagan ang naglalakad ng dalawang milya (3 km) sa maputik na daan para magsimba.

Ulisses Soares

(9) Si Moses Mahlangu at iba pa sa South Africa ay nakaupo sa labas ng simbahan at nakikinig sa mga serbisyo mula sa bintana.

Carole M. Stephens

(12) Ang matatapat na babae sa Honduras ay tumatanggap ng mga basbas ng priesthood mula sa kanilang mga lider sa Simbahan.

(115) Tinutupad ng isang 10-taong gulang na batang lalaki ang kanyang tipan na makidalamhati sa iba sa pag-alo niya sa kanyang lola-sa-tuhod na balo na.

Dieter F. Uchtdorf

(21) Nanaginip ang isang lalaki kung saan ipinapaliwanag ng mag-asawang Banal sa mga Huling Araw ang mga pagkakataon para makapaglingkod sa Simbahan.

(55) Si Dieter F. Uchtdorf ay bumagsak habang nag-i-skiing at nahirapang tumayo hanggang sa tulungan siya ng kanyang apong lalaki.

Arnulfo Valenzuela

(35) Isang di-gaanong aktibong babae ang nagbalik sa simbahan matapos madama ang Espiritu Santo habang kumakanta ng himno kasama ang kanyang mga visiting teacher.

Terence M. Vinson

(104) Ang panalangin ng isang matapat na miyembro ng Simbahan sa Papua New Guinea ay sinagot nang biglang umulan at namatay ang apoy na nagbabantang sumira sa mga pananim sa nayon.