2013
Social Media Pages Nilikha para sa mga Lider ng Simbahan
Nobyembre 2013


Social Media Pages Nilikha para sa mga Lider ng Simbahan

Lumikha ng opisyal na social media pages ang Simbahan para sa mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol sa Facebook at Google Plus. Ang pages na ito ang magsisilbing opisyal na social media presence para sa bawat isa sa mga Kapatid, na mamamahala sa pages na ito na imementena ng Simbahan para sa kanila.

Ang opisyal na mga Facebook at Google Plus account ay matatagpuan sa pamamagitan ng paghahanap sa facebook.com/lds at sa plus.google.com. Para malaman kung opisyal ang isang social media site o page, hanapin ang logo ng Simbahan.

Ang mga taong sumusubaybay sa pages na ito ay tatanggap ng regular na mga update tungkol sa paglilingkod ng bawat isa sa mga Kapatid. “Ang Simbahan ay magpo-post ng mga link sa mga mensahe, artikulo, video, at iba pang mahalagang content para sa kanila,” sabi ni Dale Jones, tagapagsalita para sa Simbahan.

Sa pages na ito mas madaling matatagpuan ng mga tao ang mga salita ng mga buhay na propeta, at sa pag-“like” sa pages, mapupunta ang content nito sa Facebook feed ng nag-like, kung saan ito madaling makikita at maibabahagi sa iba.

Ang paglikha ng opisyal na pages ay tumutulong sa mga miyembro na malaman kung aling pages ang minementena ng Simbahan at pinoprotektahan ang mga tao sa huwad na pages.