2013
Mga Stake Inorganisa sa Roma at Paris
Nobyembre 2013


Mga Stake Inorganisa sa Rome at Paris

Inorganisa nina Elder Dallin H. Oaks at Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pangalawang stake sa Rome, Italy, at ang pangatlong stake sa Paris, France, nang bumisita sila noong Setyembre 2013 na kinabilangan din ng mga miting sa Leeds at Manchester, England, at Madrid, Spain. Isang templo ang itinatayo sa Rome, at may isang malapit nang itayo sa Paris.

“Ang Simbahan ay buhay na buhay at kahanga-hanga ang pag-unlad sa Europe,” sabi ni Elder Oaks. Sinabi ni Elder Ballard sa mga miyembrong Europeo na dapat “maunawaan [ng Simbahan] na pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang gawain ng kaligtasan at na lahat tayo ay kailangang maging abala.”