Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.
“Paano Pumili ng Mabubuting Kaibigan,” pahina 53: Gupitin sa magasin ang ilang larawan ng mga kabataang lalaki at babae at gumawa ng maikling profife para sa bawat larawan. Halimbawa, maaari mong itaas ang larawan ng isang binatilyo at sabihing, “Ito si Aaron. Siya ay miyembro ng Simbahan, pero palagi siyang nagpupunta sa sinagoga kasama ng kanyang pamilya. Hilig niya ang isports at malinis na pananalita ang gamit niya.” Gumawa ng profile na tulad nito para sa bawat larawan. Itanong sa inyong mga anak kung alin sa mga taong ito ang magiging mabubuting kaibigan. Basahing kasama nila ang Santiago 2:23 at pag-usapan ang mga paraan na magiging mga kaibigan tayo ng Ama sa Langit.
“Si Jesucristo ang Ating Tagapagligtas,” pahina 74: Parating na ang Paskua! Maaari kayong gumawa ng isang bagay na espesyal sa panahong ito para kilalanin ang mga pagpapalang mula kay Jesucristo. Araw-araw sa hapunan, maaaring magsalitan ang mga miyembro ng pamilya sa pagbabahagi ng mga pagpapalang natanggap nila sa araw na iyon. Maaalala ninyo ang mga pagpapalang ito sa pagkolekta ng mga holen sa isang lalagyan—isang holen para sa bawat pagpapala. Maaari ninyong ipaalam ang ideyang ito sa family home evening sa pagbabasa ng isang talata sa banal na kasulatan tungkol sa buhay ni Jesucristo; pagkatapos ay ipadrowing sa inyong mga anak ang nangyayari sa banal na kasulatan. Kantahin ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40) o isa pang awitin tungkol sa Tagapagligtas.
Sa Inyong Wika
Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.
Para makakonekta sa Liahona sa Facebook at makatanggap ng nagbibigay-inspirasyon na mga mensahe, bisitahin ang facebook.com/liahona.magazine