“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).
Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2013, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa susunod na mga isyu) para matulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Mga Salita ng Propeta Tungkol sa Kasal
“Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay pangunahing saligan sa doktrina ng Panginoon at mahalaga sa walang hanggang plano ng Diyos. Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay huwaran o pamantayan ng Diyos para sa kaganapan ng buhay sa lupa at sa langit. Ang pamantayan ng Diyos sa kasal ay hindi dapat gamitin nang mali, unawain nang mali, o ipakahulugan nang mali [tingnan sa Mateo 19:4–6]. Hindi ito dapat gawin kung nais ninyo ng tunay na kagalakan. Ang pamantayan ng Diyos sa kasal ay nangangalaga sa sagradong kapangyarihan ng paglikha ng buhay at sa kagalakan ng tapat na ugnayan ng mag-asawa. Alam natin na sina Eva at Adan ay ikinasal ng Diyos bago nila naranasan ang galak ng pagsasama ng mag-asawa.”
Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Pagpapasiya para sa Kawalang-Hanggan,” Liahona, Nob. 2013, 108.