2014
Ako ang Nangailangan
Marso 2014


Ako ang Nangailangan

Diane Hatch, Arizona, USA

Ilang taon na ang nakararaan pumarada ang isang lumang kotse sa aming meetinghouse. Pag-aari iyon ng isang amang walang asawa na may apat na anak. Naparoon siya para humingi ng tulong. Naghanap ang aming ward ng tirahan para sa kanila, at sinimulang dalhin ng ama ang kanyang pamilya sa simbahan.

Kung minsan ay malinis ang mga damit ng mga bata at kung minsan naman ay marumi, ngunit laging magulo ang buhok nila. Hindi namin alam kung gaano kabuhol at kagulo ito. Bawat linggo nagdadala ng pantanggal ng buhol at mga suklay ang Primary president. Inaayos niya at ng isang guro ang buhok ng mga bata bago mag-Primary.

Counselor ako noon sa Primary presidency, at humanga ako sa kakayahan ng dalawang sister na ito na yakapin ang marurungis na batang ito. Hindi ko magawang hawakan ang buhok nila, at inisip ko kung paano ito nagawa ng mga sister na ito. Sinikap kong huwag makonsiyensya sa pagsasabi sa sarili ko na makakatulong ako sa pagbabantay sa iba pang mga bata habang ginagawa iyon ng mga sister na ito.

Ang bunso sa pamilyang ito ay tatlong taong gulang. Hindi siya makapagsalita nang malinaw, ngunit sinikap niyang bumigkas ng malalakas na tunog kapag kumakanta kami. Ikinainis ko iyon.

Dahil madaling mainip ang tatlong-taong-gulang na mga bata, sinimulan kong kandungin ang batang ito para tulungan siyang makinig. Nginitian niya ako bilang pasasalamat, at nadama ko ang galak at pagmamahal ng Ama sa Langit sa marungis na batang ito—na Kanyang anak. Kalaunan, hindi ko na inalintana ang dungis at paghawak ng suklay para ayusin ang kanyang magulong buhok. Naisip ko pa na masayang pakinggan ang pagsisikap niyang kumanta.

Makalipas ang ilang buwan ang ama ng mga bata ay umakyat sa pulpito para magpatotoo at nagpasalamat sa amin sa pagtulong sa kanyang mga anak. Nang sumunod na linggo wala na ang pamilya.

Nagpapasalamat ako sa pagkakataong mapaglingkuran ang mga batang iyon. Pagdating nila, pakiramdam ko ay lubha silang nangangailangan, ngunit natuklasan ko na ako pala ang nangailangan sa kanila para tulungan akong magbago.