2014
May kaibigan ako na naniniwala na may paliwanag ang siyensya sa lahat ng bagay—espirituwal na mga damdamin, mga sagot sa panalangin, mga himala, at iba pa. Ano ang maaari kong sabihin sa kaibigan kong ito?
Marso 2014


May kaibigan ako na naniniwala na may paliwanag ang siyensya sa lahat ng bagay—espirituwal na mga damdamin, mga sagot sa panalangin, mga himala, at iba pa. Ano ang maaari kong sabihin sa kaibigan kong ito?

Young man using a microscope and writing on a pad of paper.

Paglalarawan ni Lloyd Eldredge; GRAPHIC NG iStock/Thinkstock

Sa isang banda, tama ang kaibigan mo—lahat ng bagay ay malamang na maipaliwanag ng siyensya (kahit hindi pa natin alam ang lahat ng ito ngayon). Ang kakayahan ng siyensya na ipaliwanag ang isang bagay ay hindi nakakasama sa relihiyon. Kahit tanggapin mo pa ang mga paliwanag ng siyensya sa mga espirituwal na karanasan o himala, ipinaliliwanag lang ng siyensya ang nangyari; walang sinasabi ang siyensya tungkol sa pinagbatayang katotohanan, kahulugan, o layunin nito. Tungkulin iyan ng relihiyon. Alam ng Ating Ama sa Langit ang lahat ng bagay at inihahayag sa atin ang kailangan natin para makabalik sa Kanya at magkaroon ng pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa, at iba pang mga banal na katangian. Totoo man na ang mga interpretasyon ng relihiyon sa likas na kababalaghan ay hindi nakakasira sa siyensya, totoo rin ang kabaligtaran nito—ang mga paliwanag ng siyensya sa mga espirituwal na karanasan ay hindi nakakasira sa relihiyon.