Magkaibigan sa Internet
Nagkuwento sa akin ang kaibigan ng pamilya namin na si Aleksander tungkol sa pamangkin niyang si Lule.* Halos kaedad ko si Lule, at gusto siyang ipakilala ni Aleksander sa akin. Hindi ko ito gaanong inisip, pero pagkaraan ng ilang linggo, idinagdag ako ni Lule bilang kaibigan sa Facebook.
Hi, Stephanie! Ako si Lule, pamangkin ni Aleksander. Sinabi niya sa akin na halos magkaedad tayo.
Hi, Lule. Nabanggit ka nga niya sa akin. Sabi ni Aleksander nakatira daw kayo sa Albania. Ang galing naman!
Nakakatawa—para sa akin, parang masayang tumira sa Amerika! Hahaha. Ano ang gagawin mo ngayong Sabado’t Linggo?
May laro ako ng basketball sa Sabado ng umaga, pagkatapos pupunta ako sa isang Latter-day Saint temple. Sa Linggo magsisimba ako. Ano naman ang gagawin mo?
Wala lang. May nakita akong larawan ng Salt Lake Temple sa Internet. Ang ganda! Sabi sa akin ng tiyo ko Mormon ka raw, tulad niya. Ilang beses na niya akong isinama sa simbahan. Gustung-gusto ko talaga roon! Gusto kong pumunta linggu-linggo, kaya lang madalas ay may mga gagawin kami ng pamilya ko tuwing Linggo.
Kung gusto mo, itatala ko ang mga nangyayari sa simbahan at ipapadala ko sa iyo sa email. Sa gayon ay malalaman mo ang iba pa tungkol sa paniniwala namin.
Naku, salamat! Gusto kong marinig ang pinag-uusapan ninyo roon.
Hi, Lule! Sana naging masaya ang buong linggo mo. Ang saya sa simbahan kahapon. Narito ang ilang itinala ko. Marami kaming pinag-usapan tungkol sa paglilingkod at panalangin.
-
Kapag pinaglilingkuran natin ang ibang tao, pinaglilingkuran natin ang Diyos (basahin sa Mosias 2:17 sa scriptures.lds.org).
-
Panoorin mo ang “Dayton’s Legs” sa YouTube. Tungkol iyon sa isang batang lalaki na tinulungan ang kaibigan niya, na may cerebral palsy, na sumali sa triathlon.
-
Nariyan ang Diyos para sa iyo at pakikinggan ka kapag nagdasal ka. May nakita akong artikulo tungkol sa pagdarasal: lds.org/youth/article/how-to-pray.
Stephanie, maraming salamat! Napakaganda ng video na iyon! Panay ang dasal ko, at gusto kong gawin ang tama, … pero paano ko malalaman kung tama ang ginagawa ko?
Patuloy ang Kuwento …
Tinuturuan pa rin ni Stephanie si Lule tungkol sa ebanghelyo sa pagpapadala rito ng mga itinala niya at pagsagot sa mga tanong niya sa email. Sabi ni Stephanie kapag nagtatala raw siya tuwing Linggo, “mas naaalala ko ang mga pinag-aralan namin.” At sa pagsagot sa mga tanong ni Lule, nagkakaroon ng makabuluhang talakayan si Stephanie at ang kanyang mga magulang tungkol sa ebanghelyo. Ang karanasang ito ay nakapagturo din kay Stephanie tungkol sa gawaing misyonero. “Maaari pa rin akong maging missionary kahit bata pa ako,” sabi niya.