2016
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
November 2016


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan na ikinuwento sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(35) Ang pagbabalik-loob ay dumarating sa ilang tao kapag tinulungan sila ng mga miyembro ng Simbahan “bilang mga saksi ng Diyos.”

M. Russell Ballard

(90) Habang binabasa ang Juan 17 sa kanyang pamilya sa Banal na Lupain, ipinagdasal ni M. Russell Ballard na siya ay maging kaisa nila at ng Ama at Anak.

W. Mark Bassett

(52) Noong bata pa siya, sinubukan ni W. Mark Bassett at ng kanyang kapatid na tanggalin ang mga metal band sa nakasarang bahagi ng isang maliit na replika ng mga laminang ginto.

Jean B. Bingham

(6) Pagkatapos mamangka nang salungat sa hangin, si Jean B. Bingham at ang isang grupo ng mga kabataang babae ay gumawa ng mga layag nang magbago ang direksyon ng hangin. Nakita ng isang batang babaeng nagbibisikleta papunta sa isang bahay na may mga “ginintuang bintana” na ginintuan din ang mga bintana ng kanilang bahay. Ayaw kilalanin ng mga tao ang pag-unlad ng isang matagumpay na binata.

D. Todd Christofferson

(48) Nakaramdam ng malaking kagalakan si Helen Keller nang ipaunawa sa kanya ng kanyang guro ang konsepto ng mga salita.

Carl B. Cook

(110) Habang pinagninilayan niya ang tungkuling natanggap ng kanyang kalolo-lolohan mula kay Propetang Joseph Smith, tumanggap ng patibay si Carl B. Cook na ang kanyang bagong tungkulin sa Simbahan ay nagmula sa Diyos. Nag-ibayo ang pananampalataya ng isang bagong miyembro at nadaig ang kanyang mga pangamba na magturo sa Primary.

Quentin L. Cook

(40) Naunawaan ni Quentin L. Cook kung bakit ang tingin ng kanyang ama sa poste ng kuryente ay isa itong pagpapala sa halip na isang sagabal sa magandang tanawin.

J. Devn Cornish

(32) Binago ng isang senior resident sa isang ospital ang buhay ni J. Devn Cornish nang sabihin niya rito na siya ay magiging magaling na doktor.

LeGrand R. Curtis Jr.

(68) Nagkaroon ng patotoo si Parley P. Pratt at ang apat na iba pang lalaki tungkol sa Aklat ni Mormon. Nagkaroon ng patotoo si LeGrand R. Curtis Jr. tungkol dito noong tinedyer siya.

Dean M. Davies

(93) Nalaman ni Dean M. Davies sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ang mga miyembro ng ward na binibisita niya ay nagpunta sa sacrament meeting upang tunay na sumamba.

Henry B. Eyring

(75) Ipinakita ng ama at mga lider ng priesthood ng batang si Henry B. Eyring ang kanyang potensyal at nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.

(99) Noong binata siya, hindi makita ni Henry B. Eyring ang takdang panahon ng mga layon ng Panginoon sa pagtatayo ng Kanyang kaharian.

Robert D. Hales

(22) Habang nagpapagaling si Elie Wiesel mula sa open-heart surgery, tinanong siya ng kanyang apo kung hindi siya gaanong masasaktan kung mas mamahalin siya ng kanyang apo. Tuwing Linggo tinutulungan ng isang mapagmahal na lalaki ang kanyang maysakit na asawa na magbihis at maghanda para makapagsimba.

Jeffrey R. Holland

(61) Lumagpas sa mga home teacher ang isang pagkakataong tulungan ang isang sister na binaha ang basement. Pinaglingkuran ng home teacher ang isang ama na ang anak na lalaki ay namatay sa aksidente.

Peter F. Meurs

(85) Noong limang taong gulang siya, nadama ni Peter F. Meurs ang nakapapanatag na impluwensya ng Espiritu Santo nang basbasan ng kanyang ama ang sakramento.

Thomas S. Monson

(78) Ipinagdasal ng isang miyembro ng Simbahan na sumusunod sa Word of Wisdom na magkaroon siya ng lakas na maakyat ang lubid pasampa sa kubyerta ng isang barko.

(80) Tinanggap ng isang binata sa 1964 World’s Fair ang katotohanan ng plano ng kaligtasan matapos panoorin ang pelikula ng Simbahan na Man’s Search for Happiness.

K. Brett Nattress

(119) Nalaman ni K. Brett Nattress mula sa kanyang ina na sa kabila ng kanyang mga kamalian noong bata pa siya na mahal siya ng kanyang Ama sa Langit.

Russell M. Nelson

(81) Pagkaraan ng isang “masayang gabi” ng isang grupo ng ipinatapong mga Banal sa gitna ng lamig, sinabi ni Eliza R. Snow na “mga banal lamang ang kayang magsaya sa lahat ng sitwasyon.” Nadaig ng mga miyembro ng Simbahan ang mga pagsubok, tukso, at “ang likas na tao” sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa kagalakang nagmumula sa pamumuhay ng ebanghelyo.

Bonnie L. Oscarson

(12) Naparami ng isang sister sa Mexico ang mga dumadalo sa klase niya sa Sunday School. Pinrotektahan ng isang ina ang kanyang mga anak laban sa masasamang impluwensya sa labas ng tahanan.

Ronald A. Rasband

(113) Pinayuhan ni Ronald A. Rasband ang isang kaibigan na “muntik nang mawalan ng pananampalataya.” Ang pananampalataya ng mga ninuno ni Ronald A. Rasband ay nanatiling matatag sa kabila ng hirap at pighati. Mabagal kumilos si Ronald A. Rasband ayon sa isang panalanging nasagot hanggang sa tumanggap siya ng isang paalala sa banal na kasulatan.

Linda S. Reeves

(88) Nagpatotoo si Boyd K. Packer na sa pamamagitan ng pagsisisi at ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, naglaho ang kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng taos na pagsisisi, isang miyembro, isang missionary, at isang convert ang nakasumpong ng kagalakan at kapayapaan.

Dale G. Renlund

(121) Nakadama ng kagalakan ang batang si Dale G. Renlund matapos ipagtapat sa kanyang branch president na nagsindi siya ng paputok sa simbahan.

Evan A. Schmutz

(116) Isang miyembro ng Simbahan na ang buong pamilya ay pumanaw sa isang sunog ang tumupad sa kanyang mga tipan at nanampalataya na muli niya silang makakasama.

Carole M. Stephens

(9) Nagtipon ng lakas ang isang dalagang may bipolar disorder para magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Gary E. Stevenson

(44) Binasa ng labindalawang-taong-gulang na si Mary Elizabeth Rollins ang Aklat ni Mormon at nagkaroon ng patotoo tungkol dito. Habang nagpapatotoo tungkol sa Aklat ni Mormon noong missionary pa siya, tumanggap ng patotoo si Gary E. Stevenson tungkol sa katotohanan nito.

Juan A. Uceda

(30) Sinagot ng Ama sa Langit ang desperadong panalangin ni Juan A. Uceda, na nagligtas sa kanya matapos siyang mahulog mula sa daanan sa bundok noong nasa misyon siya.

Dieter F. Uchtdorf

(15) Hinikayat ng isang dalagita ang kanyang lola na “makinig nang maigi!” Ipinagdasal ng isang ina na bumalik ang kanyang alibughang anak na babae sa Panginoon. Dalawang missionary ang nagtagumpay matapos kumatok sa bawat pinto ng isang apat-na-palapag na apartment.

(19) Matapos ang maraming oras, tiyaga, pag-asa, pananampalataya, muling pagtiyak ng kanyang asawa, at maraming litro ng diet soda, natutong gumamit si Dieter F. Uchtdorf ng personal computer.

(71) Isang dating miyembro ng Simbahan ang bumalik sa Simbahan dahil sa mga kaibigan, sa Espiritu Santo, at sa hatak ng Mabuting Pastol.

Kazuhiko Yamashita

(55) Bilang mission president, binasbasan ni Kazuhiko Yamashita ang isang missionary na “masigasig para kay Cristo.”