Mga Tampok sa Ika-186 na Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Nagbahagi si Pangulong Thomas S. Monson ng dalawang tapatang mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Sa Linggo ng umaga, nagpatotoo siya tungkol sa dakilang plano ng kaligayahan ng Diyos para sa lahat ng tao. Nagturo siya tungkol sa mahalagang papel ni Jesucristo sa plano ng kaligtasan, gayundin ang tungkulin natin sa pagtatamo ng kaligayahang nilayon ng Diyos. (Tingnan sa pahina 80.) Sa pangkalahatang sesyon ng priesthood, binigyang-diin ni Pangulong Monson ang mga pagpapalang nagmumula sa pagsunod sa mga utos ng Panginoon at sa tapat na pagsunod sa Word of Wisdom (tingnan sa pahina 78).
Nagtipon ang daan-daang libong kababaihan, mga kabataang babae, at mga batang babae na walong taong gulang pataas sa Conference Center at sa mga lugar sa buong mundo upang pasimulan ang anim na sesyon ng pangkalahatang kumperensya sa pangkalahatang sesyon ng kababaihan.
Sa sesyon sa Sabado ng hapon, apat na General Authority Seventy ang pinagkalooban ng emeritus status, isang Area Seventy ang ini-release, at dalawa pang Area Seventy ang tinawag (tingnan sa pahina 39). Sa araw ng Linggo, pinarangalan ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol si Elder Per G. Malm, miyembro ng Pitumpu na pumanaw noong Hulyo 26, 2016 (tingnan sa pahina 121).
Ang mga pangkalahatang kumperensya ng Simbahan ay idinaraos tuwing ika-anim na buwan, na nagmumula sa 21,000-upuang Conference Center sa Salt Lake City, Utah, at ipinaaabot sa milyun-milyon sa buong mundo. Ang kumperensya ay na-interpret at makukuha online sa mahigit 80 wika at inilathala sa 34 na wika sa mga magasin ng Simbahan.