Mga Tampok na Kaganapan sa Ika-189 na Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Ang mga lider ng Simbahan na nagsalita sa pangkalahatang kumperensya ay paulit-ulit na nag-anyaya sa atin—na maging mas masaya, maging mas banal, maging mas higit na katulad ng Tagapagligtas, at tulungan ang iba na magawa rin ito.
Bukod pa rito, pinadali nila ang pagbabagong iyan na tila madaling magawa ng bawat isa sa atin.
“Nais ng Panginoon na makibahagi ang lahat ng Kanyang mga anak sa mga walang-hanggang pagpapala na makukuha sa Kanyang templo,” itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson. “… Ang pagiging karapat-dapat ng indibiduwal na makapasok sa bahay ng Panginoon ay nangangailangan ng maraming espirituwal na paghahanda ng indibiduwal. At sa tulong ng Diyos, walang imposible.”
Pagtatamo ng Kaligayahan at Kabanalan
Hinikayat ni Pangulong Nelson ang bawat isa sa atin na maging marapat sa mga pagpapala ng templo (tingnan sa pahina 120).
Ipinaliwanag ni Pangulong Henry B. Eyring ang kaugnayan ng pagkakaroon ng higit na kabanalan at pagkakaroon ng higit na kaligayahan (tingnan sa pahina 100).
Itinuro sa atin ni Elder D. Todd Christofferson kung paano matatamo “ang kagalakan ng mga banal” (tingnan sa pahina 15).
Isang Paanyaya na Magmahal at Magbahagi
Itinuro ni Pangulong Nelson ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating kapwa at idinetalye ang pagkakawanggawa ng Simbahan sa iba’t ibang dako ng mundo (tingnan sa pahina 96).
Ipinaliwanag ni Elder Dieter F. Uchtdorf ang kapangyarihan ng pag-anyaya sa iba na “halina at tingnan” (tingnan sa pahina 86).
Inilarawan ni Sister Cristina B. Franco ang kagalakan ng pagbabahagi ng ebanghelyo (tingnan sa pahina 83).
Pagpapalakas sa mga Kabataan
Inilahad ng propeta ang mga pagbabago sa youth organization na hihikayat sa kabataan sa mga quorum at class presidency na umunlad at mamuno (tingnan sa pahina 38).
Inilahad ni Elder Quentin L. Cook kung ano ang gagawin ng pamunuan ng Aaronic Priesthood (tingnan sa pahina 40).
Ibinahagi ni Sister Bonnie H. Cordon ang mga pagbabago sa Young Women organization (tingnan sa pahina 67).
Pagtatayo ng mga Templo; Pagpapatatag sa Atin
Ibinalita ni Pangulong Nelson ang walong bagong templo sa sesyon ng kababaihan (tingnan sa pahina 120).
Sa sesyon noong Linggo ng hapon, itinuro niya ang tungkol sa pagiging karapat-dapat na pumasok sa templo at inilahad ang binagong mga tanong para sa temple recommend (tingnan sa pahina 120).