Mga Balita sa Simbahan
Na-update ang mga Tanong para sa Temple Recommend at Iba pang mga Balita tungkol sa Templo
Ang mga update sa mga tanong sa interbyu para sa temple recommend ay inilahad ni Pangulong Russell M. Nelson noong pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2019 (tingnan sa pahina 121). Ang mga pamantayan ng templo ay tulad pa rin ng dati, ngunit iniba ang mga salita sa ilan sa mga tanong upang mas maging malinaw ang mga ito. Ang mga angkop na lider ng Simbahan ay dapat nakatanggap na ng liham ng Unang Panguluhan na may petsang Oktubre 6, 2019, na kinapapalooban ng mga na-update na tanong.
Ibinalita rin ni Pangulong Nelson ang plano para sa walong bagong templo (tingnan sa pahina 79). Ang mga bagong templo ay itatayo sa Freetown, Sierra Leone; Port Moresby, Papua New Guinea; Bentonville, Arkansas, USA; Bacolod, Philippines; McAllen, Texas, USA; Cobán, Guatemala; at Orem at Taylorsville, Utah, USA.
Simula noong pangkalahatang kumperensya ng Abril 2019, nailaan na ang mga templo sa Kinshasha, Democratic Republic of the Congo; Lisbon, Portugal; Port-au-Prince, Haiti; at Fortaleza, Brazil; at muling nailaan ang sa Oakland, California, USA; Memphis, Tennessee, USA; Frankfurt, Germany; Oklahoma City, Oklahoma, USA; at Raleigh, North Carolina, USA.
Natapos na ang groundbreaking para sa mga templo sa Yigo, Guam; Praia, Cabo Verde; San Juan, Puerto Rico; Lima, Peru (Los Olivos); at Belém, Brazil, at nakapili na ng mga lugar para sa mga templo sa Auckland, New Zealand, at Layton at Saratoga Springs, Utah, USA.
Ang mga plano ay naipabatid sa publiko para sa renobasyon ng Salt Lake Temple, na isasara sa Disyembre at muling bubuksan sa 2024, at ang St. George Utah Temple, na isasara sa Nobyembre 2019 at muling bubuksan sa 2022.