2019
Binago ng Simbahan ang Patakaran sa Pagsaksi sa mga Ordenansa
Nobyembre 2019


Binago ng Simbahan ang Patakaran sa Pagsaksi sa mga Ordenansa

Sa isang pulong sa pamumuno sa pangkalahatang kumperensya kung saan tumatanggap ng tagubilin ang mga General Authority at General Officer ng Simbahan mula sa Unang Panguluhan, ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga pagbabago sa patakaran ng Simbahan tungkol sa mga taong maaaring magsilbing saksi sa mga pagbibinyag at pagbubuklod (sealing).

Idinetalye sa isang liham ng Unang Panguluhan na may petsang Oktubre 2, 2019, ang mga pagbabago:

“Kapag inanyayahan ng mga namumunong awtoridad:

  1. “Sinumang miyembro na mayroong current temple recommend, kabilang ang limited-use recommend, ay maaaring magsilbing saksi sa proxy baptism.

  2. “Sinumang miyembrong tumanggap na ng endowment na may current temple recommend ay maaaring magsilbing saksi sa mga ordenansa ng pagbubuklod (sealing) para sa buhay o para sa patay.

  3. “Sinumang nabinyagang miyembro ng Simbahan, kabilang ang mga bata at kabataan, ay maaaring magsilbing saksi sa binyag ng isang taong buhay.”