Nakatuon ang mga Pagbabago sa Organisasyon sa Pagpapalakas ng mga Kabataan
Bilang bahagi ng pagsisikap na lalo pang makamtan ng mga kabataan ng Simbahan ang kanilang banal na potensyal, ang mga pagbabago sa mga organisasyon ng Young Men at Young Women ay ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2019 (tingnan sa pahina 38) at ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa pahina 40) at ni Sister Bonnie H. Cordon, Young Women General President (tingnan sa pahina 67).
Binigyang-diin sa mga pagbabagong ito na “ang una at pangunahing responsibilidad [ng bishop] ay pangalagaan ang mga kabataang lalaki at kabataang babae ng kanyang ward,” sabi ni Pangulong Nelson. Kabilang sa mga pagbabago ang hindi na pagkakaroon ng mga ward Young Men presidency. Ang bishopric, bilang panguluhan ng Aaronic Priesthood, ay tutulungan ng mga quorum adviser at sa ilang pagkakataon ng mga specialist. Ang ward Young Women president ay diretsong magrereport sa bishop.
Ang mga quorum at class presidency ay magtutuon sa gawain ng kaligtasan, kabilang ang gawaing misyonero ng mga miyembro, convert retention, pagpapaaktibo, gawain sa templo at family history, at pagtuturo ng ebanghelyo. Ang mga youth quorum at class president ang magpaplano at mangungulo sa mga miting sa Linggo, sa mga proyekto sa paglilingkod, at iba pang mga aktibidad.
Ang mga aktibidad para sa mga kabataan ay hindi na tatawaging “Mutual” ngunit maaaring tawaging “mga Young Women activity,” “mga Aaronic Priesthood quorum activity,” o “mga aktibidad ng kabataan.” Ang badyet para sa mga aktibidad ng kabataan ay dapat pantay na hatiin, ayon sa bilang ng mga kabataan sa bawat organisasyon.
Binago ang tema ng Young Women, at ang bilang ng Young Women class ay dapat iorganisa ayon sa bilang at mga pangangailangan ng mga kabataang babae. Ang mga klase ay tatawaging “Young Women,” kasunod ang mga edad ng mga kabataan sa klase, gaya ng “Young Women 12–14,” o “Young Women” lang kung magkakasama ang lahat. Hindi na gagamitin ang mga pangalang “Beehive,” “Mia Maid,” at “Laurel.”
Isang miyembro ng stake high council ang maglilingkod bilang stake Young Men president, at ang stake Young Men presidency ay maglilingkod sa stake Aaronic Priesthood–Young Women committee kasama ang stake Young Women presidency, ang high councilor na naka-assign sa Young Women, at ang high councilor na naka-assign sa Primary.
Sa iba pang mga pagbabago, ang Relief Society, Young Women, Young Men, Primary, at Sunday School ay tatawaging “mga organisasyon” sa halip na “mga auxiliary,” at ang mga lider na namumuno sa pangkalahatan o sa buong Simbahan ay tatawaging “mga General Officer” at “mga stake officer” at “mga ward officer” naman sa local level.