“Adan at Eva,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Adan at Eva”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Adan at Eva
Mula sa Genesis 1–5; Moises 3–6
Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesus ang mundo. Nilikha Nila ang lupa, dagat, araw, at mga bituin. Nilikha Nila ang mga halaman at mga hayop. Pagkatapos ay naging handa ang mundo para sa mga anak ng Ama sa Langit. Sino ang una Niyang ipapadala para tumira sa mundo?
Sina Adan at Eva!
Inilagay sila ng Ama sa Langit sa Halamanan ng Eden. Lahat ng kailangan nilang pagkain ay nasa hardin. Hindi nila kinakailangang magtrabaho. Hindi sila nagkakasakit.
Sinabi ng Ama sa Langit kina Adan at Eva na kung kakainin nila ang bunga ng isa sa mga puno, kinakailangan nilang umalis sa Eden. Tinukso ni Satanas si Eva na kainin ang bunga, at ginawa nga niya ito. Kumain din si Adan.
Ang pasiya nilang umalis sa Eden ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit.
Matapos silang umalis sa Eden, sina Adan at Eva ay natutong manalangin, magsisi, at manampalataya kay Jesus. Sila ay naging mga magulang at itinuro sa kanilang mga anak ang ebanghelyo. Ang buhay sa labas ng Eden ay mahirap, ngunit natuto sila ng mahahalaga at mga bagong bagay. Sila ay masaya.
Katulad rin ako nina Adan at Eva. Pinili kong pumarito sa mundo upang matuto, umunlad, at maging mas katulad ng aking mga Magulang sa Langit.