Para sa mga Batang Mambabasa
Si Jonas at ang Balyena


“Si Jonas at ang Balyena,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Si Jonas at ang Balyena”

Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Jonas at ang Balyena

Mula sa Jonas 1–4

si Jonas sakay ng isang barko

Iniutos ng Diyos kay Jonas na magmisyon. Pupunta siya dapat sa isang lungsod na tinatawag na Ninive at sasabihan ang mga tao roon na magsisi. Pero ayaw ni Jonas na pumunta roon. Sumakay siya sa isang barko na papunta sa ibang lungsod.

barko sa gitna ng bagyo

Dumating ang isang napakalakas na bagyo. Natakot ang mga mandaragat na baka lumubog ang kanilang barko!

si Jonas sa karagatan

Alam ni Jonas na ipinadala ng Diyos ang bagyo dahil tumakas siya. Sinabi niya sa mga mandaragat na ihagis siya sa dagat para tumigil ang bagyo.

si Jonas at ang balyena

Nagpadala ang Diyos ng isang balyena para sagipin si Jonas. Siya ay nanatili sa tiyan ng balyena nang tatlong araw. Si Jonas ay nanalangin. Siya ay nagpasiyang magsisi at sundin ang Diyos. Sinabi ng Diyos sa balyena na ilabas si Jonas sa lupa.

si Jonas na nagtuturo sa mga tao

Pumunta si Jonas sa Ninive. Nagturo siya sa mga tao roon. At nakinig ang mga tao ng Ninive! Sila ay nagsimulang sundin muli ang Diyos.

batang lalaki na nakatingin sa bahaghari

Kapag nakagawa ako ng mali, maaari akong magsisi at muling magsikap na magpakabuti. Mahal ng Diyos si Jonas, at mahal ako ng Diyos!