“Si Elijah at ang Babaeng Balo,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Si Elijah at ang Babaeng Balo”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Si Elijah at ang Babaeng Balo
Mula sa I Mga Hari 17
Isang propeta na nagngangalang Elijah ang nagbabala sa mga tao na darating ang taggutom. Walang ulan, at hindi tumubo ang mga halaman. Si Elijah ay uminom ng tubig mula sa isang sapa. Nagpadala ang Diyos ng mga ibon para dalhan siya ng pagkain. Pero natuyo ang sapa. Sinabi ng Diyos kay Elijah na hanapin ang isang babae sa bayan, at pakakainin siya nito.
Natagpuan ni Elijah ang babae at humingi dito ng makakain. Sinabi ng babae kay Elijah na kakaunti na lang ang kanyang harina at langis para makakain sila ng kanyang anak na lalaki.
Nangako si Elijah na kung ibabahagi sa kanya ng babae ang pagkain nito, hindi ito mauubos. Nagtiwala ang babaeng balo sa propetang si Elijah at hinatian siya nito ng pagkain.
Bawat araw, may sapat na pagkain para sa kanila. Isang himala iyon! Pagkatapos ay nagkasakit ang anak ng babae at namatay. Pero muli siyang binuhay ni Elijah. Pinagpala ang babae sa pakikinig sa propeta.
Pinagpapala ako kapag nakikinig ako sa propeta.