“Noe,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Noe”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Noe
Mula sa Genesis 5–9
Maraming taon na ang nakalipas, pumipili ng masama ang mga tao sa mundo. Nagsugo ang Diyos ng isang matapang na propeta na nagngangalang Noe. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang magsisi at mahalin ang Diyos. Nakinig ba sila? Hindi! Nagpatuloy sila sa paggawa ng masama.
Sinabi ng Diyos kay Noe na aalisin Niya ang masasama sa mundo. Iniutos ng Diyos kay Noe na gumawa ng isang malaking barko na tinawag na arka. Tinipon ni Noe ang kanyang pamilya at mga hayop sa loob ng arka. Pagkatapos ay nagsimulang umulan.
Umulan nang 40 araw at 40 gabi. Natakpan ng tubig ang buong mundo! Si Noe at ang kanyang pamilya at ang mga hayop ay ligtas sa loob ng arka.
Sa wakas ay tumigil ang ulan. Humupa ang baha. Nakita ni Noe ang isang bahaghari sa langit. Nangako ang Diyos na hindi na muling mapupuno ng baha ang buong mundo.
Maaari akong maging katulad ni Noe at sumunod sa Ama sa Langit. Alam kong tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Pinagpapala ako kapag sinusunod ko ang Kanyang mga kautusan.
Pahinang Kukulayan
Tinutupad ng Ama sa Langit ang Kanyang mga Pangako
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott