“Si Esther, ang Reyna,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Si Esther, ang Reyna”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Si Esther, ang Reyna
Mula sa Esther 2–8
Si Esther ay isang reyna. Siya ay ikinasal sa hari ng Babilonia.
Ang hari ay may kaibigan na isang masamang tao. Niloko nito ang hari para gumawa ito ng isang batas na lahat ng Judio ay dapat patayin! Hindi alam ng hari na ang kanyang asawang si Esther ay isang Judio.
Nagpasiya si Esther na hilingin sa kanyang asawa, ang hari, na iligtas ang kanyang mga tao. Pero nag-alala siya na baka magalit ito. Hiniling ni Esther sa lahat ng Judio na mag-ayuno at manalangin para sa kanya. Pagkatapos ay nagpunta si Esther sa hari. Hindi nagalit ang hari!
Inimbita ni Esther ang hari at ang kaibigan nito sa isang hapunan. Sa hapunan, sinabi ni Esther sa hari na siya ay isang Judio. Nagalit ang hari na niloko siya ng kanyang kaibigan. Inutos niya sa mga Judio na maaari nilang protektahan ang kanilang sarili. Nakatulong si Esther sa pagliligtas sa kanyang mga tao!
Maaari tayong manalangin at humingi ng tulong sa Ama sa Langit. Maaari tayong maging matapang, gaya ni Esther.
Pahinang Kukulayan
Matutulungan Ko ang Iba na Maramdaman na May Nagmamahal sa Kanila
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott