“Si Jose ay Nagtiwala sa Diyos,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Si Jose ay Nagtiwala sa Diyos”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Si Jose ay Nagtiwala sa Diyos
Mula sa Genesis 37–41
Si Jose ay may 11 kapatid na lalaki. Binigyan siya ng kanyang ama ng isang maganda at makulay na damit. Sinabi ng Diyos kay Jose na pamumunuan niya ang kanyang mga kapatid.
Nagalit ang mga kuya ni Jose. Ayaw nila na maging pinuno nila si Jose! Ipinagbili nila si Jose sa mga taong papunta sa Egipto, at naging alipin siya.
Nagtrabaho nang husto si Jose. Pinili niya ang tama, kahit pinagbintangan siya ng mga tao at ikinulong siya.
Kahit nahihirapan, nagtiwala si Jose sa Diyos. At pinatnubayan ng Diyos si Jose. Si Jose ay naging lider sa Egipto! Nang tumanda na siya, pinamunuan niya ang kanyang pamilya, tulad ng sinabi ng Diyos.
Magtitiwala ako sa Diyos tulad ng ginawa ni Jose. Magagawa kong piliin ang tama. Papatnubayan ako ng Diyos anuman ang mangyari.