“David at Goliath,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“David at Goliath”
Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa
David at Goliath
Mula sa I Samuel 17
Si David ay isang batang lalaki na nag-aalaga ng mga tupa. Ang kanyang mga kuya ay mga kawal na nagsisikap protektahan ang kanilang mga tao. Isang araw, inutusan si David ng kanyang tatay na magdala ng pagkain sa kanyang mga kapatid.
Nang dumating doon si David, nakita niya ang isang higanteng kawal na nagngangalang Goliath. Sinabi ni Goliath na kung may makakatalo sa kanya, matatapos na ang digmaan. Pero walang naglakas-loob na kalabanin siya.
Sinabi ni David na siya ang lalaban kay Goliath. Hindi pumayag ang hari. Bata pa lang si David, at si Goliath ay malakas at malaki! Pero alam ni David na tutulungan siya ng Diyos. Sa wakas, sinabi ng hari, “Yumaon ka, at ang Panginoon ay sasa iyo.”
Hindi nagsuot ng baluti si David hindi tulad ni Goliath. Kumuha siya ng isang bato at inilagay ito sa kanyang tirador. Sinapol niya sa noo si Goliath. Bumagsak si Goliath. Nanalo si David! Nailigtas niya ang kanyang mga tao.
Kung minsan mayroon akong mabibigat na problema. Kapag humihingi ako ng tulong sa Diyos, tinutulungan Niya akong maging malakas.
Pahinang Kukulayan
Maaari Akong Maging Magandang Halimbawa
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott