Para sa mga Batang Mambabasa
Si Daniel at ang mga Leon


“Si Daniel at ang mga Leon,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Si Daniel at ang mga Leon”

Mga Kuwento sa Lumang Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Daniel at ang mga Leon

Mula sa Daniel 6

mga lalaking nag-uusap

Si Daniel ay tagapaglingkod ng hari. Gusto ng hari si Daniel dahil siya ay isang mabuting tao. Nainggit ang iba pang mga lider! Nagplano silang ipahamak si Daniel.

lalaking nagdarasal

Niloko nila ang hari para gumawa ito ng isang bagong batas na kung sinuman ang manalangin sa Diyos ay itatapon sa yungib ng mga leon. Alam nila na naniniwala si Daniel sa Diyos at magdarasal anuman ang mangyari. Nang makita nila na nagdasal si Daniel, nagsumbong sila sa hari.

malungkot ang hari

Malungkot ang hari dahil naloko siya. Pero hindi na mababago ang batas.

si Daniel sa yungib ng mga leon

Inilagay ng hari si Daniel sa yungib ng mga leon. Tinakpan niya ang yungib ng mabigat na bato. Ano ang mangyayari kay Daniel?

si Daniel sa yungib ng mga leon

Nagsugo ang Diyos ng isang anghel para itikom ang mga bibig ng mga leon! Kinaumagahan, kinuha ng hari si Daniel mula sa yungib. Masaya siya na nakaligtas si Daniel. Sinabi niya sa buong kaharian na iniligtas ng Diyos si Daniel.

batang babae na nagdarasal

Maaari akong maging katulad ni Daniel sa pamamagitan ng pagdarasal at pagtitiwala sa Ama sa Langit!

Pahinang Kukulayan

Gustung-gusto Ko ang mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

mga bata na gumaganap na Daniel at mga leon

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott