Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto
-
Basahin:Kapag naririnig ng mga tao ang salitang pamumuhunan, maaaring naiisip nila ang maingay at magulong trading floor na may mga taong nagbebenta ng stocks at bonds. Bagama’t maaaring bahagi iyan ng pag-invest, ang pag-invest ay paglalaan din ng oras, pagsisikap, o pera sa isang bagay at pag-asang may makuhang isang uri ng return. Sa ganitong pakahulugan, ang pamumuhunan ay isang elemento ng self-reliance.
Sa kabanatang ito, pag-aaralan mo ang tatlong paraan sa pamumuhunan:
-
Mag-impok ng pera
-
Isiping makabili ng sariling bahay
-
Hangaring makapag-aral
-
1. Mag-impok ng Pera
-
Pag-isipang mabuti:Sa loob ng dalawang minuto pag-isipan ang sumusunod na tanong at isulat ang mga naiisip mo: Ano ang pinakagusto kong pag-impukan ng pera?
-
Basahin:Isa sa pinakamadadaling paraan ng pamumuhunan ang mag-impok ng pera. Noon pa man ay nagtatrabaho ka na para makabuo ng emergency fund, simula sa isang buwang halaga ng mga gastusin at pagkatapos ay pagkakaroon ng tatlo hanggang anim na buwang halaga ng mga gastusin. Isipin ang mga posibilidad kung patuloy kang mag-iimpok kahit mayroon ka nang matatag na emergency fund.
Itinuro ni Elder L. Tom Perry, “Bayaran ang sarili mo ng halagang itinakda mo at direkta itong ilagay sa savings. … Namamangha ako na napakaraming taong buong buhay na nagtatrabaho para sa may-ari ng groserya, may-ari ng bahay, kumpanya ng kuryente, ahente ng kotse, at bangko, subalit di-gaanong iniisip ang sarili nilang mga pagsisikap kaya hindi nila binabayaran ang kanilang sarili” (“Becoming Self-Reliant,” Ensign, Nob. 1991, 66).
Tulad ng inilarawan kanina sa halimbawang garapon, napakahalagang unahing “bayaran ang sarili” sa pamamagitan ng paglalagay ng pera sa savings. Tutulungan ka nitong magkaroon ng pinansyal na seguridad.
-
Talakayin:Mag-ukol ng ilang minuto para muling repasuhin ang halimbawang garapon. Ano ang pinakamakabuluhan sa iyo sa halimbawang ito? Paano ka nagpapakita ng pananampalataya sa pagsunod sa paraan ng pagiging self-reliant?
2. Isiping Makabili ng Sariling Bahay
-
Basahin:Ang pagbili ng bahay ay isa pang paraan para mamuhunan. Gayunman, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay hindi para sa lahat, at kadalasa’y mas magandang opsiyon ang mangupahan.
-
Basahin:Para sa mga nag-iisip na bumili ng sariling bahay, tandaan ang dalawang alituntuning ito:
-
Bumili lamang ng bahay kung kailan at kung saan makakabuti para sa iyo.
-
Bilhin lamang ang makakaya mong bayaran.
Ngayo’y pag-usapan natin ang ilang bagay na makakaimpluwensya sa mga alituntuning ito.
-
-
Talakayin:Bakit mahalagang itanong ang mga ito sa iyong sarili bago ka bumili ng bahay?
-
Basahin:Halos lahat ng tao ay bumibili ng bahay gamit ang loan na tinatawag na mortgage [sangla]. Ang mortgage na ito ay utang, at may babayaran kang interes. Inaasahang maghuhulog ka nang buwanan at babayaran mo ang loan.
Para sa pangmatagalang katatagan sa pananalapi, ang buwanang hulog mo sa mortgage ay hindi dapat lumagpas sa 25 porsiyento ng iyong buwanang kita. Gamitin ito bilang gabay sa kung magkano ang kaya mong ibayad, sa halip na kung ano ang handang ipahiram sa iyo ng lender [nagpapautang].
-
Talakayin:Ano ang kahulugan sa iyo ng bumili ng bahay na madali mong mababayaran?
-
Basahin:Laging isaisip na may iba pang mga gastusin sa pagkakaroon ng bahay bukod sa mortgage. Kapag mayroon ka nang bahay, ikaw na ang responsable sa maintenance. Ang mga bagay ay nasisira, naluluma, at kung minsa’y kailangang palitan o kumpunihin. Karaniwang inirerekomenda ng mga financial advisor na mag-impok ng di-kukulangin sa 1 porsiyento ng halaga ng bahay mo taun-taon para sa maintenance.
Umahon sa Pagkakautang sa Mortgage
-
Basahin:Tulad ng unang ipinaliwanag, ang mortgage ay isang loan—ito ay utang—at may babayaran kang interes. Sa pagbanggit na muli sa mga turo ni Pangulong J. Reuben Clark, sinabi ni Pangulong Ezra Taft Benson, “Hayaang hangarin ng bawat pinuno ng sambahayan na makabili ng sarili niyang bahay, nang malaya sa mortgage” (“Prepare for Days of Tribulation,” Ensign, Nob. 1980, 33). Ang pagbabayad ng buong mortgage nang mas maaga ay maaaring mangailangan ng kaunting sakripisyo, ngunit kapag mas mabilis mo itong binayaran, mas makakatipid ka sa interes. May dalawang paraan para mabayaran ang iyong mortgage:
-
Magbayad ng ekstra
-
Bumuo ng shorter-term loan na mas mababa ang interes
Sa pagbabayad ng ekstra sa prinsipal, mababawasan ng maraming taon ang pagbabayad mo at ng libu-libo ang interes. Halimbawa, kung may 150,000 na 30-taong mortgage ka na may 4.5 porsiyentong interes, magbabayad ka ng 123,610 sa interes sa buong panahon ng loan. Tingnan ang chart sa ibaba para makita kung gaano karaming panahon at pera ang matitipid mo sa pagbabayad ng ekstrang 100 o 200 kada buwan.
100 ekstra kada buwan
200 ekstra kada buwan
Panahong matitipid
Halos 7 taon
Halos 11 taon
Perang matitipid
29,715
47,462
Ang isa pang opsiyon para mabayaran nang mas mabilis ang isang mortgage ay kumuha ng mortgage na mas maikling panahon ang bayaran [shorter term]. Ang mga shorter-term mortgage ay karaniwang mas mababa ang interes. Mas malaki ang iyong buwanang hulog, pero makakatipid ka ng maraming taon sa pagbabayad at ng libu-libo sa interes.
Ikumpara natin ang naunang mortgage, pero sa pagkakataong ito ay sa isang 15-taong loan. Ang orihinal na halimbawa ay 150,000 na 30-taong mortgage na may 4.5 porsiyentong interes. Ikumpara natin iyan sa 15-taong mortgage na may 3.5 porsiyentong interes.
30-Taong Mortgage
15-Taong Mortgage
Interest rate
4.5%
3.5%
Buwanang hulog
760
1,072
Kabuuang interes na binabayaran
123,610
43,018
Panahon para makabayad nang buo
30 taon
15 taon
Sa kasong ito, ang ibig sabihin ng 15-taong mortgage ay karagdagang 312 sa buwanang hulog, pero makakatipid ka rito:
-
15 taon ng pagbabayad sa mortgage.
-
Mahigit 80,000 sa interes.
-
-
Talakayin:Ano ang kusa mong isusuko para makabayad ka ng ekstra sa mortgage o makakuha ka ng shorter-term mortgage para mas maaga mong mabayaran ang utang?
3. Hangaring Makapag-aral
-
Basahin:Ang pag-aaral ay isa pang uri ng pamumuhunan. Karaniwan, gagastos ka sa dagdag na training o pag-aaral. Kung mamumuhunan ka sa pag-aaral, tiyaking hahantong ito sa mas magandang trabaho para maganda ang return sa investment mo. Ipinayo ni Pangulong Gordon B. Hinckley na “babayaran kayo ng daigdig sa halagang inaakala nitong katumbas ninyo at madaragdagan ang inyong halaga sa pagtatamo ninyo ng edukasyon at kadalubhasaan sa pinili niyong larangan” (“Payo at Panalangin ng Isang Propeta para sa Kabataan,” Liahona, Abril 2001, 30).
Kung minsa’y maaaring angkop na mangutang para makapag-aral, pero marami ring iba pang paraan para makapag-aral. Saliksikin ang lahat ng iba pang opsiyon bago mangutang. Kung mangungutang ka nga para makapag-aral, sikaping bayaran ito sa lalong madaling panahon.
Ang Education for Better Work self-reliance group ay maaaring isang magandang opsiyon para sa iyo kapag iniisip mong mamuhunan sa pag-aaral.
-
Talakayin:Paano naging investment sa sarili mo ang pag-aaral?
Talakayin sa Inyong Family Council ang Pag-iimpok ng Pera, Pagtatrabaho para Makabili ng Bahay, at Pag-invest sa Sarili Mo sa Pamamagitan ng Pag-aaral
-
Basahin:Ang isa sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito ay talakayin sa oras ng family council ang pag-iimpok ng pera, pagbili ng bahay, at pamumuhunan sa iyong pag-aaral. Talakayin ang mga bagay na gusto mong pag-ipunan, kung dapat kang mangupahan o bumili ng bahay (o kung paano ka magsisimulang magbayad ng iyong mortgage), at ano ang mga mithiin mo sa pag-aaral, kung mayroon, na dapat mong pagsikapan. Maaari mong gamitin ang “Sample Family Council Discussion” outline sa ibaba.