Institute
Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Ang Walang Hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo


“Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Ang Walang Hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)

“Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon

Lesson 6 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Ang Walang Hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

Christ Praying in the Garden of Gethsemane [Si Cristo na Nagdarasal sa Halamanan ng Getsemani], ni Hermann Clementz

Ano ang nadarama at naiisip mo habang pinagninilayan mo ang pagdurusa ng Tagapagligtas sa Halamanan ng Getsemani at sa pagkakapako sa krus? Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon ay nagbibigay ng ganap at lubos na mapaniniwalaang kaalaman tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na matatagpuan sa buong aklat” (“Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?Liahona, Nob. 2017, 62). Habang pinag-aaralan mo ang itinuturo ng Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala, pag-isipan kung paano ka Niya tinubos mula sa mga epekto ng Pagkahulog at kung paano Niya ginawang posible na ikaw ay maging higit na katulad Niya at ng ating Ama sa Langit.

Bahagi 1

Bakit kailangan kong tanggapin ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Noong mga 74 BC, pinangunahan ng propetang si Alma ang isang misyon sa mga Zoramita, na may maling uri ng pagsamba at nagtuturo na “hindi magkakaroon ng Cristo” (Alma 31:16). Nang mangaral sina Alma at Amulek sa isang grupo ng mga maralitang Zoramita na itinaboy palabas sa kanilang mga lugar ng pagsamba, sila ay nagturo sa kanila kung paano sumamba sa Diyos at matapang na nagpatotoo na si Cristo ay darating at magsasagawa ng walang hanggang Pagbabayad-sala.

Nalaman natin mula sa mga banal na kasulatan at makabagong paghahayag na “kabilang sa … Pagbabayad-sala [ni Jesucristo] ang pagdurusa Niya para sa mga kasalanan ng sangkatauhan … ang pagbubuhos ng Kanyang dugo, at Kanyang kamatayan at kasunod na pagkabuhay na mag-uli mula sa libingan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Bayad-sala, Pagbabayad-sala,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Alma 34:8–10 at alamin kung ano ang itinuro ni Amulek tungkol sa pangangailangan natin sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

The Crucifixion of Christ [Ang Pagkakapako ni Cristo sa Krus], ni Louise Parker

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod tungkol sa walang hanggang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas:

Pangulong Russell M. Nelson

Ang … Pagbabayad-sala [ni Jesucristo] ay walang hanggan—walang katapusan. Ito ay walang hanggan din dahil maililigtas ang buong sangkatauhan mula sa walang-katapusang kamatayan. Ito ay walang hanggan dahil sa Kanyang matinding pagdurusa. Ito ay walang hanggan sa panahon, na tumapos sa naunang nakaugaliang pag-aalay ng hayop. Ito ay walang hanggan sa saklaw—ito ay dapat gawin nang minsanan para sa lahat. At ang awa ng Pagbabayad-sala ay hindi lamang para sa walang hanggang bilang ng mga tao, kundi para din sa walang hanggang bilang ng mga daigdig na Kanyang nilikha. Ito ay walang hanggan na hindi kayang sukatin ng anumang panukat ng tao o unawain ng sinuman.

Si Jesus lamang ang makapag-aalay ng gayong walang hanggang pagbabayad-sala, dahil Siya ay isinilang sa isang mortal na ina at isang imortal na Ama. Dahil sa natatanging pinagmulang angkan, si Jesus ay isang walang hanggang Nilalang. (“Sahe Atonement,” Ensign, Nob. 1996, 35)

nakikipag-usap si Maria sa nabuhay na mag-uling Cristo

Ang propetang si Jacob ay nagbigay rin ng isang nakaaantig na sermon tungkol sa pangangailangan natin sa walang hanggang Pagbabayad-sala ng Panginoon at kung paano tayo inililigtas ni Jesucristo mula sa mga epekto ng Pagkahulog at mga bunga ng ating mga kasalanan.

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Pag-aralan ang 2 Nephi 9:6–10, 19–22, at alamin kung ano ang mangyayari kung wala ang walang hanggang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

Maaari tayong lubos na magtiwala na sa pamamagitan ng walang hanggang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, maaari tayong magsisi sa ating mga kasalanan at maging malinis. Ganito ang ipinaalala ni President Tad R. Callister, dating Sunday School General President, tungkol sa paglalagay ng hangganan sa Pagbabayad-sala ng Panginoon:

Pangulong Tad R. Callister

May mga pagkakataon na may nakikilala akong mabubuting Banal na may problema sa pagpapatawad sa kanilang sarili, na sa kawalang-muwang at sa maling paraan ay naglagay ng mga hangganan sa mga nakatutubos na kapangyarihan ng Tagapagligtas. Hindi nila sinasadyang lagyan ng hangganan ang walang katapusang Pagbabayad-sala na sa ilang paraan ay nagkukulang para sa kanilang partikular na kasalanan o kahinaan. Ngunit ito ay isang walang hanggang Pagbabayad-sala dahil sinasakop at ibinibilang nito ang bawat kasalanan at kahinaan, gayundin ang bawat pang-aabuso o sakit na idinulot ng iba. (“Sang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2019, 86)

icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Paano nakaaapekto ang kaalamang walang hanggan ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa paraan ng pag-unawa at pagtugon mo sa sarili mong mga paghihirap at problema? Talaga bang naniniwala ka na matutulungan at maililigtas ka ng walang hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Bahagi 2

Paano ako matutulungan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na madaig ang likas na tao?

Noong malapit nang magwakas ang buhay ni Haring Benjamin, nagbigay siya sa kanyang mga tao ng isang nakaaantig na sermon na nakatuon kay Cristo. Sa sermong ito, ibinahagi niya ang itinuro sa kanya ng isang anghel tungkol sa ministeryo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Itinuro niya na madaraig natin ang likas o makasalanang bahagi ng ating sarili sa pamamagitan lamang ng Pagbabayad-sala ng Panginoon.

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Mosias 3:19 at alamin kung ano ang magagawa mo upang madaig ang likas na tao.

nananalangin ang mga tao ni Haring Benjamin

Ibinigay ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na kabatiran tungkol sa likas na lalaki o babae:

Elder David A. Bednar

Sa ilang aspeto, ang likas na tao na inilarawan ni Haring Benjamin ay kitang-kita sa bawat isa sa atin (tingnan sa Mosias 3:19). Ang likas na lalaki o babae ay hindi nagsisisi, makamundo at mahalay (tingnan sa Mosias 16:5; Alma 42:10; Moises 5:13), mapagpalayaw at mapagpasasa, at palalo at makasarili. Gaya ng itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball, “Ang ‘likas na tao’ ay ang ‘taong makalupa’ na hinahayaang mangibabaw ang makahayop na hangarin na dumadaig sa kanyang espirituwal na pag-uugali” (“Ocean Currents and Family Influences,” Ensign, Nob. 1974, 112). …

Ang tunay na pagsubok ng mortalidad, kung gayon, ay maibubuod sa tanong na ito: Tutugon ba ako sa mga gawi ng likas na tao, o bibigyang-daan ang mga panghihikayat ng Banal na Espiritu at huhubarin ang likas na tao at magiging banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon (tingnan sa Mosias 3:19)? Iyan ang pagsubok. Bawat hangarin, pagnanasa, hilig, at silakbo ng damdamin ng likas na tao ay maaaring madaig sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Narito tayo sa lupa upang magkaroon ng mga katangiang tulad ng sa Diyos at upang pigilan ang lahat ng silakbo ng laman. (“Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis,” Liahona, Mayo 2013, 42, 43)

icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Nadama mo na ba na tila hindi mo makontrol o madaig ang mga hangarin at silakbo ng damdamin ng likas na lalaki o babae? Paano ka binibigyan ng pag-asa ng mga turo sa Mosias 3:19 na maaari kang makagawa ng mabubuting pagbabago at maging higit na katulad ng Tagapagligtas?