Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland, “Bawat isa ay may karapatang mahalin, makadama ng kapayapaan, at maging ligtas sa tahanan.” (Liahona, Mayo 2021, 37). Isa sa pinakamahahalagang trabaho natin ay protektahan at pangalagaan ang mga bata. Upang maprotektahan sila, kailangan natin silang turuan kung paano manatiling ligtas. Tumingin sa pahina 30 at 44 para sa ilang ideya. Maaari mo ring basahin ang artikulo sa pahina 20 ng Liahona sa buwang ito.