Pananatiling Ligtas
Ikaw ay minamahal na anak ng Diyos At karapat-dapat kang makadama ng pagmamahal, kapayapaan, at na ligtas ka, anuman ang mangyari! Narito ang ilang ideya na makatutulong sa iyo:
Hindi OK kung may tao na …
-
nanghahampas, nanunulak, o nananakit sa iyo sa anumang paraan
-
nagsasabi ng masasakit na salita sa iyo
-
nagpapakita sa iyo ng mga larawan o video ng mga taong walang damit
-
hinihiling sa iyo na labagin ang batas o patakaran ng iyong pamilya
-
hinihiling sa iyo na magtago ng lihim at huwag sabihin ito kaninuman
-
nagsasabi sa iyo na sasaktan ka nila o ang ibang tao
-
nagpapadala sa iyo o humihiling sa iyo na magpadala ng mga pribadong retrato
-
sinasabihan kang tingnan o hawakan ang kanilang katawan o ang iyong katawan
Ano ang Gagawin
-
Pakinggan ang iyong mga damdamin.
-
Magsabi ng hindi.
-
Lumakad o tumakbo palayo.
-
Magsabi sa isang mapagkakatiwalaang mas matanda sa iyo.
Paghingi ng Tulong
Kung may ginawang masama sa iyo, hindi mo ito kasalanan, at hindi ka nag-iisa! Mahal ka ng Ama sa Langit, at may mga taong makatutulong sa iyo kapag may problema ka. Isulat ang mga pangalan ng ilang mapagkakatiwalaang tao na maaari mong kausapin.
-
______________________
-
______________________
-
______________________