Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Iain P., edad 8, Florida, USA
Emma M., edad 7, Virginia, USA
Jacob H., edad 8, Ica, Peru
Kyson C., edad 8, Utah, USA
Sophia C., edad 9, Alberta, Canada
Nais kong tularan si Jesucristo at sundan ang Kanyang halimbawa.
Faustino C., edad 8, Buenos Aires, Argentina
Alam kong mahal ako ni Jesus.
Chloe B., edad 8, Tarlac, Philippines
Natapos kong basahin ang Aklat ni Mormon at nanalangin ako para malaman kung totoo ito. Pagkatapos kong magdasal, naging masaya ako at nalaman kong ito ay totoo.
John S., edad 8, Wisconsin, USA
Nalungkot ako na hindi makapunta sa binyag ko ang kapatid ko dahil ang mga patakaran ng pamahalaan para sa COVID-19 ay nagpapahintulot sa apat na tao lamang na magtipon. Pero masaya akong magawa ang tipan sa binyag sa Ama sa Langit. Alam ko na aakayin ako ng Diyos araw-araw at isusugo ang Espiritu Santo para tulungan ako.
Songer H., edad 8, Taipei, Taiwan
Nangungulila ako sa aking kapatid na nasa misyon. Kinakausap ko siya linggu-linggo at gustung-gusto kong marinig kung paano niya tinuturuan ang mga tao tungkol kay Jesucristo.
Callie A., edad 10, Indiana, USA
Bago magsimula ang bawat school year, binibigyan kami ng tatay ko ng basbas para tulungan kaming makadama ng kapanatagan at tiwala sa sarili. Nadarama ko ang Espiritu Santo tuwing inilalagay ng tatay ko ang kanyang mga kamay sa ulo ko para basbasan ako. Alam ko na papanatagin ako ng Espiritu Santo sa mahihirap na panahon.
Camille B., edad 11, Texas, USA
Kapag nawalan ako ng isang bagay, nagdarasal ako nang may pananampalataya at naghahanap para makita ito.
Isaías R., edad 6, São Paulo, Brazil