Mula sa Unang Panguluhan
Hayaang Manaig ang Diyos!
Mula sa “Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–95.
Alam mo ba ang ibig sabihin ng hayaang manaig ang Diyos? Ang ibig sabihin nito ay hayaan natin Siyang maging pinakamalakas na impluwensya sa ating buhay.
Handa ka bang hayaang manaig ang Diyos sa iyong buhay? Hahayaan mo ba ang Kanyang mga salita, Kanyang mga utos, at Kanyang mga tipan na impluwensyahan ang ginagawa mo sa bawat araw? Hahayaan mo bang maging mas mahalaga ang Kanyang tinig kaysa ibang bagay?
Kapag hinayaan mong manaig ang Diyos, matututuhan mo ang mga walang-hanggang katotohanan na gagabay sa iyong buhay. Kapag hinayaan mong manaig ang Diyos, napakaraming pagpili ang magiging mas madali. Malalaman mo kung:
-
Ano ang dapat panoorin at basahin
-
Paano gamitin ang iyong oras
-
Ano ang gusto mong makamit
-
Anong klaseng tao ang nais mong maging
Kailangan ng pananampalataya at tapang upang hayaang manaig ang Diyos. Kapag hinayaan mo Siyang manaig, malalaman mo na ang ating Diyos ay “Diyos ng mga himala” (Mormon 9:11).
Ano ang Gagawin Ninyo?
Magpapatawad ba kayo?
Magiging tapat ba kayo?
Magiging mabait ba kayo?
Pipiliin ba ninyong panoorin ang isang mabuting bagay?