Kumusta mula sa Mexico!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.
Ang Mexico ay isang bansa sa Hilagang Amerika. Mga 126 na milyon ang mga tao rito.
Isang Masarap na Meryenda
Ang guacamole ay isang dip na yari sa mga avocado. Kinakain ito ng mga tao kasama ng mga taco, salad, o mga corn chip. ¡Delicioso!
Pagsasama-sama
Ito ay isang gusali ng Simbahan sa Mexico. Ang Mexico ay may halos 1.5 milyong miyembro ng Simbahan—ang pangalawa sa lahat ng bansa sa buong mundo!
Baile Folklórico (Katutubong Sayaw)
Maraming bahagi ng Mexico ang may sarili nilang estilo ng musika, sayaw, at damit. Ang batang babaeng ito ay nakasuot ng katutubong kasuotan mula sa Chiapas.
Mga Sinaunang Kultura
Ang Mexico ay maraming gusali na itinayo ng mga sinaunang tao. Bawat taon, milyun-milyong tao ang bumibisita sa Mayan pyramid na ito sa Chichen Itza sa estado ng Yucatán.
Maraming Templo
Ang Mexico ay may 13 inilaan na mga templo, at mas marami pa ang itatayo. Binisita ng batang lalaking ito ang templo sa Veracruz.