2022
Si Miguel at ang Uod
Agosto 2022


Si Miguel at ang Uod

boy looking at worm in garden

Hilig ni Miguel na tulungan si Mama sa halamanan nila. Tinakpan niya ng lupa ang maliliit na binhi. Diniligan niya ang mga ito. Ngunit hindi masyadong marami.

“Mahusay,” sabi ni Mama. “Hindi magtatagal magkakaroon tayo ng maraming mabubuting makakain.”

Ngumiti si Miguel. Masaya siyang makatulong.

Pagkatapos ng ilang araw, may maliliit na halaman na umusbong sa lupa. Diniligan ni Miguel ang mga halaman. Binunot niya ang mga damo na tumubo sa paligid ng mga ito. Lumaki ang mga halaman sa pagdaan ng mga araw.

Isang araw, nakakita siya ng uod. Hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang saktan ito. Pero masasaktan ba nito ang mga halaman? Kinukuha ng kanyang pamilya ang karamihan ng kanilang pagkain mula sa halamanan.

“Mama, tingnan po ninyo!” Itinuro niya ang uod. Gumagapang ito sa ibabaw ng lupa. “Masasaktan po ba nito ang mga halaman?”

Umiling si Mama at ngumiti. “Ang mga uod ay mabuti para sa halamanan.”

Pinanood ni Miguel ang paghuhukay ng uod sa lupa. “Binubutas po nito ang lupa!” sabi niya.

“Iyon talaga ang ginagawa nila. Tinatanggal nito ang pagkakasiksik ng lupa upang lumago ang mga ugat. Isa ito sa mga nilikha ng Ama sa Langit. May sarili itong espesyal na layunin.” Hinalikan ni Mama si Miguel sa ulunan niya. “Parang ikaw.”

Naghukay si Miguel sa paligid ng mga halaman. Nag-ingat siyang huwag saktan ang uod. Nakakita siya ng iba pang mga uod. Ngumiti siya habang pinanonood ang mga ito na naghuhukay ng mga butas.

Gusto ni Miguel ang mga uod. Gusto niyang itrato ang lahat ng nilikha ng Ama sa Langit nang may paggalang.

Page from the August 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Mark Stephens