Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Jarom mula sa Mexico
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Jarom
Edad: 10
Mula sa: Mexico City, Mexico
Wika: Spanish
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging isang beterinaryo o psychologist. 2) Magdrowing ng magagandang larawan. 2) Pakitunguhan ang iba nang may paggalang at kabaitan.
Pamilya: Jarom, Inay, Itay, dalawang kapatid na lalaki
Ang mga Matulunging Kamay ni Jarom
Si Jarom ay may tatlong maliliit na aso. Ang isa sa kanyang mga gawain ay pakainin ang mga ito araw-araw. Mahal na mahal niya ang mga ito. Si Jarom ay isa ring mabuting tagapakinig at missionary. Nang malaman niya na namatay ang lolo ng kanyang kaibigan, tinawagan ni Jarom ang kanyang kaibigan. Nakinig si Jarom sa kaibigan niya. Pinanatag din niya ito at sinabi dito ang tungkol sa plano ng Ama sa Langit para sa atin.
Nais ni Jarom na maging masaya ang kanyang mga kaibigan. Madalas niya silang kausapin tungkol sa Simbahan at anyayahan sa mga miting at aktibidad. “Kapag nagdarasal ka, alalahanin ang iyong mga kaibigan at pamilya,” sabi ni Jarom. “Magtanong kung paano mo sila matutulungan.”
Mga Paborito ni Jarom
Mga Lugar: Ang parke at ang chapel
Mga Kuwento tungkol kay Jesus: Nang tulungan Niya ang isang lalaking bulag at nang Siya ay mabuhay na mag-uli
Awitin sa Primary: “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53)
Mga Pagkain: Pozole soup, french fries, at doughnut
Mga Kulay: Asul at kulay ube
Klase sa Paaralan: Kasaysayan at Heograpiya