2023
Aklat ng Alaala tungkol sa Binyag
Marso 2023


“Aklat ng Alaala tungkol sa Binyag,” Kaibigan, Mar. 2023, 15.

Aklat ng Alaala tungkol sa Binyag

aktibidad sa paggawa ng isang aklat

Mga paglalarawan ni Nicole Walkenhorst

Gumawa ng isang aklat para maalaala mo ang iyong binyag. Kung hindi ka pa nabibinyagan, gumawa ka ng aklat tungkol sa kung ano ang magiging pakiramdam mo kapag bininyagan ka.

  1. Gupitin sa gitna ang dalawang pirasong papel. Magdagdag ng iba pang mga papel kung gusto mo ng mas makapal na aklat.

  2. Pagpatung-patungin ang mga papel at itupi ang mga ito sa gitna.

  3. Lagyan ng tatlong butas sa tupi ang mga papel.

  4. Talian ng pisi ang bawat butas.