2023
Ang Aking Mithiin tungkol sa Aklat ni Mormon
Marso 2023


“Ang Aking Mithiin tungkol sa Aklat ni Mormon,” Kaibigan, Mar. 2023, 31.

Mga Bata at Kabataan

Ang Aking Mithiin tungkol sa Aklat ni Mormon

Batang babaeng nagbabasa ng scriptures na may suot na headphones

Larawang-guhit ni Rachel Hoffman-Bayles

Nagtakda ako ng mithiing basahin ang Aklat ni Mormon bago ako binyagan, tulad ng ginawa ng kuya at ate ko. Pero nang magkaroon ng COVID, hindi ako nakapasok sa paaralan, at naging mas mahirap para sa akin ang magbasa. Maraming mahihirap na salita sa Aklat ni Mormon, at kinailangan ko ng tulong.

At nagkaroon kami ng mga magulang ko ng ideya. Ginamit ko ang Gospel Library app sa cell phone ng nanay ko para makinig sa Aklat ni Mormon. Pinabagalan namin ang mga boses para makabasa at makasabay ako nang mas madali. Tumitigil din ako sandali at pinanonood ko ang mga video na naka-link sa app. Tuwing magbabasa ako, minamarkahan ko iyon sa isang chart. Kinausap ko si Inay tungkol sa binabasa ko. Napakasaya!

Naging mas mahusay ako sa pagbabasa, pero hindi ko naisip na makakatapos ako bago sumapit ang araw ng binyag ko. Kaya sinabi ko na sa halip na makatapos ako bago ang binyag ko, tatapusin ko iyon bago matapos ang taon (na makalipas ang isang buwan). Patuloy akong nagbasa. Kung minsa’y kasama kong nagbabasa ang nanay ko o kapatid kong babae.

Pagsapit ng Disyembre 31, natapos ko na ang Aklat ni Mormon! Tuwang-tuwa ang buong pamilya ko. Pagkatapos ay nagpunta ako sa kuwarto ko para magdasal. Itinanong ko kung totoo ang Aklat ni Mormon, at napakaganda ng pakiramdam ko.

Alam ko na nakikinig ang Ama sa Langit kapag nagdarasal ako. Alam kong mahal ako ng aking mga magulang sa langit. Alam ko na ang Aklat ni Mormon ang salita ng Diyos, at mahal tayo ni Jesus.