2023
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Marso 2023


“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Mar. 2023, 49.

Bagong Tipan

Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Batang babaeng nagkukulay sa notebook

Para sa Mateo 8; Marcos 2–4; Lucas 7

Ano ang ilang bagay na kinatatakutan ng inyong mga musmos? Mahinahong pag-usapan ang isa sa mga takot na iyon. Pagkatapos ay tulungan silang sabihing, “Kapag natatakot ako, matutulungan ako ni Jesus na makadama ng kapayapaan.”

Para sa Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9

Mangalap ng mga first-aid item at ipaliwanag kung paano ginagamit ang mga ito para pagalingin tayo. Pagkatapos ay ipaliwanag na ang kapangyarihan ni Jesucristo na magpagaling ay higit pa rito. Ilarawan ang isa sa mga himala sa Mateo 9.

Para sa Mateo 11–12; Lucas 11

Ilista ang mga araw ng linggo para sa inyong mga musmos. Sabihin nang malakas ang mga pangalan ng bawat araw, pero bumulong kapag sinabi mong “Linggo.” Ipaliwanag na ang Linggo ay isang espesyal na araw para mapitagang isipin si Jesucristo.

Para sa Mateo 13; Lucas 8; 13

Ipaliwanag na noong araw, nagpunta ang matatapat na tao kay Jesus para makinig sa Kanyang mga kuwento (tingnan sa Mateo 13). Hilingan silang magdrowing ng mga taong nakikinig kay Jesus.

Para sa Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6

Maghanda ng masustansiyang meryenda para sa inyong mga musmos. Ikuwento ang himala ng mga tinapay at isda (tingnan sa Mateo 14:15–21). Tulungan silang sabihing, “Alam ni Jesus kung ano ang kailangan ko at matutulungan ako.”