“Mga Kaibigan sa Koreo,” Kaibigan, Mar. 2023, 1.
Mga Kaibigan sa Koreo
Templo’y Ibig Makita
Binisita ni Wan Ting Z., edad 8, ang Taipei Taiwan Temple.
Kung Saan Namin Binabasa ang Kaibigan
Binabasa nina Clarice, Olivia, at Laura P., edad 3, 8, at 11, ang Kaibigan sa wikang Portuguese sa São Paulo, Brazil.
Pagbuo ng Pagmamahal
Binuo namin ang aming lungsod ng Sion mula sa mga aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin (Ene. 2022). Gusto naming madama ng lahat ang pagmamahal at bumaling sa templo.
Daniel, Samuel, at Sariah C., edad 8, 5, at 11, Eure-et-Loir, France