2023
Ang Araw ng Aking Binyag
Marso 2023


“Ang Araw ng Aking Binyag,” Kaibigan, Mar. 2023, 12–13.

Isinulat Mo

Ang Araw ng Aking Binyag

Mag-asawa kasama ang tatlong anak na batang babae papunta sa simbahan

Hello! Ako si Megan, at naninirahan ako sa Mexico. Gusto kong magkuwento sa inyo tungkol sa isang napakaespesyal na pagkakataon sa buhay ko—ang araw na bininyagan ako.

Bininyagan ako sa ikawalong taon kong kaarawan! Napakahalaga ng araw na iyon dahil ipinagdiwang ko ang kaarawan ko sa pamamagitan ng pagpapabinyag.

Ang magpabinyag ay isang magandang karanasan. Iginawa ako ng nanay ko ng notebook na may iba’t ibang aktibidad na maihahanda. Tinulungan ako nitong malaman ang kahalagahan ng binyag at ng mga tipang gagawin ko sa Ama sa Langit.

Batang babaeng naka-pink na damit na may hawak na notebook

Maraming taong nagmamahal sa akin ang dumalo sa binyag ko. Napakasaya ko na dumating sila. Nakasuot ako ng puting damit, at maligamgam ang tubig.

Matapos akong binyagan ng tatay ko, nagpunas na ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinanggap ko ang kaloob na Espiritu Santo. Kinumpirma akong miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ng mga mayhawak ng priesthood. Nakadama ako ng labis na kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan.

Batang babaeng binibinyagan habang nanonood ang iba pang mga bata

Lagi kong maaalala ang araw na iyon. Napakaespesyal niyon dahil noon ako unang nakipagtipan sa Diyos. Nangako akong sundin si Jesus at ang Kanyang mga utos.

Batang babaeng nakayakap sa tatay niya

Kung kinakabahan ka sa mangyayari sa araw ng iyong binyag, huwag kang mag-alala. Magiging masaya ang Ama sa Langit sa ginawa mong pasiya!

PDF ng kuwento

Mga larawang-guhit ni Olga Lee