“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Mar. 2023, 26–27.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
“Testimony [Patotoo],” Joey R., edad 7, Texas, USA
“Christ Loves Us [Mahal Tayo ni Cristo],” Andrea V., edad 8, Retalhuleu, Guatemala
Gideon T., edad 10, Michigan, USA
Ella J., edad 9, Uusimaa, Finland
Paulo B., edad 6, Paraná, Brazil
Sinisikap kong maging mabait at makipaglaro sa nakababata kong kapatid na babae, at masaya iyon! Alam ko na ang pagiging mabait at pagpapakita ng pagmamahal ay nagpapasaya sa akin, sa aking pamilya, at sa Ama sa Langit.
Ned B., edad 7, Utah, USA
Panatag na panatag at masayang-masaya ako noong bininyagan ako.
Tadeo B., edad 8, Montevideo, Uruguay
Binisita namin ang taniman ng mga tulip malapit sa tinitirhan namin. Nadama ko ang pagmamahal ng aking Tagapagligtas nang makita ko ang makikinang at masasayang kulay sa sikat ng araw. Masaya ako na nakatira ako sa magandang mundong ito!
Jazlyn E., edad 6, Washington, USA
Takot ako noon na mag-aral ng paglangoy. Ipinagdasal ko na tulungan akong maging matapang para matutong lumangoy. Ang galing talaga ng Espiritu Santo!
Esther F., edad 6, Texas, USA
May isang kaklase akong bingi. Isinesenyas ko sa kanya ang mga salita para tulungan siya sa klase. Masaya ako kapag tumutulong ako!
Avarie H., edad 9, Utah, USA
Binuo ko ang bangka ni Nephi gamit ang mga patpat. Nagpapasalamat ako sa halimbawa ni Nephi.
Ollie T., edad 10, Alberta, Canada
Madalas akong magdasal at ginagawa ko ang lahat para makatulong, kahit sa maliit na paraan.
Cing N., edad 12, Yangon, Myanmar