2023
Kapayapaan mula sa Tagapagligtas
Marso 2023


“Kapayapaan mula sa Tagapagligtas,” Kaibigan, Mar. 2023, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Kapayapaan mula sa Tagapagligtas

Hango sa “Kapayapaan sa Buhay na Ito,” Liahona, Dis. 2016.

Dalawang batang babae at isang batang lalaki na tumatanggap ng sakramento

Mga larawang-guhit ni Dilleen Marsh

Sabi ng Tagapagligtas, “Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa pag-uusig” (Juan 16:33). Ang ibig sabihin niyan ay daranas tayong lahat sa mundo ng mahihirap na panahon. Pero ibinigay rin Niya sa atin ang pangakong ito: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo” (Juan 14:27). Sa pagsunod sa Tagapagligtas, madarama natin ang kapayapaan sa ating mahihirap na panahon.

Kapag tumatanggap tayo ng sakramento, nangangako tayong aalalahanin ang Tagapagligtas. Maaari mo Siyang isipin sa mga paraan na magpapadama sa iyo na malapit ka sa Kanya. Kung minsa’y iniisip ko Siya na nakaluhod sa Halamanan ng Getsemani. Kung minsa’y nakikinita ko Siya na tinatawag si Lazaro na lumabas mula sa puntod. Kapag ginagawa ko ito, pakiramdam ko ay malapit ako sa Kanya. Nakadarama ako ng pasasalamat at kapayapaan. Magagawa mo rin iyan.

Nangako si Jesus na kapag sinunod natin ang Kanyang mga utos at sinunod natin Siya, mapapasaatin ang Espiritu Santo. Sa gayo’y makasusumpong tayo ng kapayapaan, anuman ang mangyari sa ating buhay.

Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Pahinang kukulayan ng pagdarasal ni Jesucristo sa isang halamanan

Sinabi ni Pangulong Eyring na nakadarama siya ng pasasalamat at kapayapaan kapag iniisip niya ang Tagapagligtas na nasa Getsemani. Anong mga kuwento tungkol kay Jesus ang nagpadama sa iyo na malapit ka sa Kanya?