“Hello mula sa Kiribati!” Kaibigan, Mar. 2023, 18–19.
Hello mula sa Kiribati!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Kiribati (kee-ruh-bas) ay isang islang bansa sa Pacific Ocean. Mga 120,000 katao ang naninirahan doon.
33 isla
Ang munting mga isla ng Kiribati ay nakakalat sa mahigit 1.4 milyong square miles (3.5 milyong km2) ng karagatan! Dahil sa puwesto nito sa globo, ito ang unang time zone na nakakakita sa liwanag ng bawat bagong araw.
Magagandang Dalampasigan
Ang Kiribati ay puno ng mabuhanging mga dalampasigan at puno ng palma. Mainit ang klima rito sa buong taon.
Magagandang Halimbawa
Halos 20 porsiyento ng mga tao ay mga miyembro ng Simbahan. Sila ay mabubuting halimbawa para sa iba pang naninirahan sa mga isla.
Mangisda Ka!
Dahil napapaligiran sila ng karagatan, maraming kinakaing lamang-dagat ang mga mamamayan sa Kiribati. Karaniwan din ang niyog, bigas, at kalabasa.
Itinatayo na ang Templo
Noong Oktubre 2020, ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson na may itatayong templo sa Kiribati! Ganito ang magiging hitsura nito.