2023
Sumulat ng Isang Talinghaga
Marso 2023


“Sumulat ng Isang Talinghaga,” Kaibigan, Mar. 2023, 8.

Masasayang Bagay

Sumulat ng Isang Talinghaga

resipe ng tinapay

Pag-isipan ang isang bagay sa ebanghelyo na gusto mong ituro sa iba. Anong bagay o halimbawa ang maaari mong gamitin para ituro iyon? Magdrowing o magsulat tungkol dito.

Halimbawa: Ang pananampalataya ay parang binhi dahil maaari itong lumago nang paunti-unti.

Gumawa ng Sarili Mong Tinapay

Magagamit mo ang resipeng ito para sa aktibidad sa pahina 11.

1 tasang maligamgam na tubig

2 1/4 na kutsaritang dry yeast

2 kutsarang puting asukal

3 tasang harina

1 kutsaritang asin

1/4 na tasang mantika

  1. Paghaluin ang tubig, yeast, at asukal sa isang mangkok. Maghintay nang 5 minuto para bumula ang yeast.

  2. Ihalo ang harina, asin, at mantika.

  3. Masahin sa loob ng 10 minuto. Ilagay sa isang minantikaang kawalli. Takpan at hayaang umalsa sa loob ng isang oras.

  4. Diin-diinan ang masa at hayaang umalsa sa loob ng 10 minuto pa. I-bake sa 350°F (175°C) sa loob ng 30–40 minuto.