2023
Kay Tahimik ng Paligid
Disyembre 2023


“Kay Tahimik ng Paligid,” Kaibigan, Dis. 2023, 13.

Kaya Kong Tugtugin Ito

Kay Tahimik ng Paligid

Mapayapa [quarter note] = 80–100

Larawan
PDF ng Kuwento

1. Kay tahimik ng paligid!

Sa gabing marikit,

May tanging sanggol na ‘sinilang

Ng isang birhen sa sabsaban,

Payapang natutulog.

Payapang natutulog.

2. Kay tahimik ng paligid!

Manghang nagmamasid,

Mga pastol, galing sa bukid,

Sa mga anghel, umaawit:

Si Cristo’y isinilang!

Si Cristo’y isinilang!

3. Kay tahimik ng paligid!

Ang badya’y pag-ibig

Ng sanggol na galing sa langit.

Kaligtasan natin ang hatid

Sa pagsilang ni Cristo;

Sa pagsilang ni Cristo.

Print