2023
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 2023


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Dis. 2023, 6–7.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Isang Pangitain tungkol sa Langit

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa Apocalipsis 1–5

Kuwento: Si Apostol Juan ay nagkaroon ng pangitain tungkol sa langit. Nakita niya ang trono ng Diyos na may maraming kulay. Nakita rin ni Juan ang mga taong sumasamba sa Ama sa Langit at pinupuri Siya sa paglikha ng lahat ng bagay. (Tingnan sa Apocalipsis 4:2–3, 10–11.)

Awitin: “Salamat, Ama Ko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 9)

Aktibidad: Idrowing ang pangitain ni Juan. Gumamit ng maraming kulay hangga’t kaya mo! Pagkatapos ay pag-usapan ang mga paraan na maipapakita mo sa Ama sa Langit na nagpapasalamat ka para sa Kanyang mga pagpapala.

Dalisay at Malinis

Larawan
alt text

Para sa Apocalipsis 6–14

Kuwento: Sa isang pangitain, nakita ni Juan ang isang pulutong ng mga tao na pinupuri si Jesucristo (tingnan sa Apocalipsis 7:9–10, 13–15). Nakasuot sila ng puting damit para ipakita na sila ay malinis at dalisay.

Awitin: “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78)

Aktibidad: Maghanap ng ilang puting bagay, tulad ng puting bato, puting tela, o kaunting asukal o asin. Pag-usapan kung ano ang ibig sabihin ng maging dalisay at malinis. Paano tayo tinutulungan ni Jesucristo na maging malinis?

Si Jesucristo ang Ating Pastol

Larawan
alt text

Para sa Pasko

Kuwento: Nang isilang si Jesucristo, dumating ang mga pastol para sambahin Siya. Itinuro ni Apostol Pedro na si Jesus ang ating Pastol (tingnan sa 1 Pedro 2:25). Tayo ang Kanyang kawan, at mapipili nating sumunod sa Kanya.

Awitin: “Ang Unang Noel” (Mga Himno, blg. 131)

Aktibidad: Magpunta sa pahina 38 para makagawa ng isang costume ng tupa. Ano ang maaari ninyong gamitin para manamit na parang pastol? Maaari ninyong isadula ang Nativity sa pahina 26 gamit ang inyong mga costume.

Mga Pangalan ni Jesucristo

Larawan
alt text

Para sa Apocalipsis 15–22

Kuwento: Nakasaad sa Apocalipsis 22:4 na ang mga alagad ni Jesucristo ay magkakaroon ng “kanyang pangalan … sa kanilang mga noo.” Ibig sabihin ay pipiliin nating alalahanin at sundin Siya.

Awitin: “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47)

Aktibidad: Gawin ang aktibidad sa pahina 8 para malaman ang mga pangalan ni Jesucristo. Magkuwento ng isang pagkakataon na sinundan mo ang Kanyang halimbawa.

Print